Arjo marami ang pinaiyak

September 06, 2019
Arjo Atayde

UMANI ng paghanga ang mga followers ng “The General’s Daughter” sa dying scene ng actor na si Emilio Garcia kung saan ipinakita ang husay ni Arjo Atayde bilang autistic son ng mga character nina Maricel Soriano at Emilio at marami ang napaiyak sa mga eksenang ’yon.

Consistent si Arjo sa kanyang mga ipinapakitang eksena bilang si Elai sa “The General’s Daughter”.

Bago nagsimula si Arjo sa character niyang si Elai sa seryeng pinagbibidahan ni Angel Locsin ay personal niyang pinag-aralan ang mannerism ng mga taong may autism.  Nanood din siya ng pelikula na may ganoong tema.

Proud mom naman ang pakiramdam ni Sylvia Sanchez nang mapanood niya ang mga eksena ni Elai. Tiyak na napanood din ito ng girlfriend ni Arjo na si Maine Mendoza na proud girlfriend ng mahusay na actor.