Arjo matapang na humarap sa mga magulang ni Maine

March 04, 2019
Arjo Atayde & Maine Mendoza

MAGMULA nang sabihin ng Kapamilya actor na si Arjo Atayde nung January 22 na `exclusively dating’ sila ni Maine Mendoza ay umamin na rin ang huli sa kanyang blog nung nakaraang Sabado, March 2, sa tunay na estado ng relasyon nila ng binata ng veteran actress na si Sylvia Sanchez.

Hindi na maikakaila na parehong masaya ngayon ang dalawa na muling nagkasama sa 24th birthday ni Maine last Sunday, March 3.  Binigyan siya ng kanyang “Eat Bulaga” family ng advance birthday celebration last Saturday, March 2 kung saan inulan siya ng napakaraming cakes (almost 70) na nagmula sa kanyang fans, product endorsements at iba pa.  The cakes were all donated sa mga ka-baranggay, simbahan at mga bata ng hometown ni Maine sa Sta. Maria, Bulacan.

Natutuwa si Maine dahil ipinakita umano ni Arjo ang kanyang marangal na intention sa kanya nang ito’y magtungo sa kanilang bahay sa Santa Maria,  Bulacan para magpakilala sa kanyang parents at sa kanyang pamilya.

Masayang-masaya ang estado ng puso ni Maine ngayon dahil kay Arjo, isang indikasyon na malabong magkaroon sila ng romantic relationship ng ka-loveteam na si Alden Richards na kinu-consider niyang malapit na kaibigan at co-worker.