Arjo umamin na si Maine ang 'The one'

March 11, 2020
Arjo Atayde and Maine Mendoza
Arjo Atayde and Maine Mendoza

NUNG nakaraang March 3 ang actual na kaarawan ng phenomenal star na si Maine Mendoza.  She turned 25 on that day but had a belated birthday celebration with her boyfriend of more than one year na si Arjo Atayde sa El Nido, Palawan.

Although bago pa lamang ang relasyon nina Maine at Arjo, sumasagi na rin umano sa kanilang usapan ang tungkol sa kasal but it won’t happen any day soon dahil pareho pa umano silang busy sa kanilang respective careers.

In our recent interview with Arjo, inamin nito na si Maine na araw talaga ang ‘the one’ para sa kanya.

Since wala namang problema si Arjo sa family ni Maine laluna sa parents ng dalaga, ipagpapaalam niya umano si Maine sa kanyang parents sakaling dumating na ang panahon na gusto na niyang mag-propose sa kanyang kasintahan.

Wala ring problema kina Maine at Arjo na nasa magkahiwalay na TV networks.