Arnell, nagtapos ng political science

April 12, 2019
Arnel Ignacio

PROUD na proud at nangingilid pa ang luha habang tinatanggap ni Arnel Ignacio ang kanyang diploma mula sa University of Makati sa ginanap na commencement rites sa PICC kamakailan lang.

Natapos ni Arnelli ang Bachelor of Arts in Political Science major in Local Government Administration. Sa edad na 55, hindi maipaliwanag ang kaligayahang nararamdaman ng comedian/host dahil natupad na ang kanyang pangarap na matapos ang kurso.  

Sa maikling panahon na nanilbihan si Arnel sa government, marami siyang natutunan na nakapagbago sa kanyang pananaw sa buhay. Una na rito ang pagiging matapat sa sinumpaang tungkulin.

Nagsilbi bilang AVP for Community Relation and Services Department sa  Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at pagkatapos ay naging Deputy Administrator ng Overseas Workers Welfare Association (OWWA) si Arnelli. Napakarami niyang natulungang mga kababayan natin sa iba’t-ibang parte ng mundo at pinatunayan niya na marami pa ring magagaling at hindi corrupt na taong gobyerno.

Kaya naman sa kanyang pagbabalik bilang Citizen Arnell, ini-endorso nya ang mga kaibigang sina Jun Llave, Nico Valencia at Mark Boado na kumakatawan sa Juan Movement partylist. Ang tatlong nasabing nominees ang nag-engganyo sa kanya na tapusin ang kanyang pag-aaral.

Ang integridad at kredibilidad ni Arnelli ay hindi matatawaran kaya naman maraming kababayan natin ang naniniwala na malaki talaga ang maitutulong ng Juan Movement sakaling palarin itong manalo sa darating na eleksyon sa Mayo.