Arra San Agustin  itinampok ang small business owners sa Taste MNL

July 09, 2020
Arra San Agustin
Arra San Agustin

SMALL business owners ng food items ang ibinida ni Arra San Agustin sa kanyang online restaurant review show na Taste MNL noong July 8. 

Bukod sa suporta para sa mga maliliit na negosyo, nais din ni Arra na makapaghatid ng maayos na review sa mga namimili ng kanilang pagkain online. 

“Para sa mga may trust issues sa online shopping, sa pagbili online, at least here we can verify and we can let you know the best places to order food and have them delivered to your doorstep,” ani ni Arra. 

Aminado rin siya na lubhang naapektuhan ng pandemya ang programa. May mga pagbabago rin daw na ginawa ang Taste MNL para patuloy na makapaghatid ng kakaibang foodtrip experience sa viewers sa kinakaharap nating “new normal”.

Aniya, “I won't be able to shoot, go outside, and go around the metro and visit different restaurants. I think the advantage naman of shooting at home is that I get to share it with my family and I can be very comfortable wherein puwede akong maging messy. Puwede akong magkalat, and so on and so forth.”

Mapapanood ang Taste MNL sa GMA Network Facebook page.