ASAP wala nang dapat patunayan

April 30, 2019
ASAP Natin 'To

"THIS is A.S.O.P!"

'Yan ang pabirong spiel ni Martin Nievera sa programang "ASAP Natin 'To" noong Sunday, April 14. Mukhang napansin na rin ni Martin na parang S.O.P na ang Sunday musical variety ng Kapamilya network. The defunct show used to be the main rival of ASAP. Well, as they say, jokes are half-meant true.

Nag-reformat ang show sa paglipat ni Regine Velasquez; na naging "ASAP Natin 'To!" Ang siste, imbes na si Regine ang mag-adjust, mismo ang show ang nag-adjust sa bagong main host nito. Ang lakas talaga ng influence ni Regine. Patunay na big name ang Asia's Songbird. Okay lang naman kung lahat halos ng mga singer mula sa Kapuso ay nasa ASAP na. 'Yun nga lang nagmukhang "perya" ang show lalo na sa tuwing sumisigaw itong si Regine. Aminin o hindi, marami ang nagsasabi noon na "perya" ang S.O.P. Kaya nga patok na patok ito sa masa noon. 'Di ba sosyal ang dating ng ASAP?! At ito ang isa sa dahilan kung bakit bumaba ang ratings nito. Dahil ang audience ng ASAP ay mas naging active sa social media, claim ng isa naming kaibigan na ASAP fanatic.

Wala na kasing bago sa ASAP. Paulit-ulit lang ang repertoire. Sa totoo lang, wala naman silang dapat pang patunayan. Its record as the longest musical variety show - over two decades and counting - speaks for itself. 'Yun nga lang parang nauubusan na sila ng idea. But credit is due for its effort to be interactive and relevant. Dahil binibigyan nila ng opportunity ngayon na mag-perform sa ASAP stage ang mga Pinoy talent na tumi-trending sa social media. Kaya nga sapul na sapul ang bagong equity line nito na "kuwento natin 'to, musika natin 'to... ASAP Natin 'To!'

Kahit ano pang batikos sa programa, mananatili pa rin ang ASAP sa puso ng mga Kapamilya. Pero puwede bang sabihan si Regine na bawas-bawasan ang pagsigaw para 'di magmukhang perya ang programa? Just asking...

Disclaimer:
Sa diwa ng malayang pamamahayag, malaya rin ang sino man o concerned parties na tinutukoy o nasusulat sa kolum na ito para sa anumang paglilinaw o karagdagang komento at reaksyon. Mangyaring makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo.com.