Home>Entertainment>Showbiz>Assunta nanganak na

Assunta nanganak na

Assunta de Rossi
Assunta de Rossi and Baby Fiore

AFTER more than 16 years and seven months, isa nang ganap na ina ang Fil-Italian actress na si Assunta de Rossi (Maria Assunta Tiotangco Schiavone-Ledesma) after she gave birth to a bouncy, beautiful baby girl last Friday morning, October 23 via Caesarian section.

Baby Fiore
Baby Fiore

Ang mag-asawang Assunta at Jules Ledesma ay ikinasal nung March 14, 2004.

Assunta shared her pregnancy last May after her doctor confirmed that she was (finally) pregnant.

Kinu-consider ni Assunta na `miracle baby’ ang kanyang isinilang na si Baby Fiore (Italian word for flower).

Ang businessman at dating kongresista ng Negros Occidental na si Jules ay may dalawang anak, sina Cristina (28) at Julio Carlos Tomas (23) sa kanyang nasirang wife na si Marivi.

Super excited din ang nakababatang kapatid ni Assunta, ang actress-director at producer na si Alessandra de Rossi gayundin ang dalawa pa nilang kapatid na nasa Italy na sina Isabel at Margherita sa kanilang unang pamangkin and their parents na sina Luigi at Nenita Schiavone sa kanilang unang apo.

Sa kabila ng pandemya, magiging kumpleto na ang celebration ng Christmas at Bagong Taon ng mag-asawang Assunta at Jules dahil sa pagdating ni Baby Fiore.

Direk Al Quinn pumanaw na

ISA na namang pillar ng TV and movie industry ang pumanaw, ang dancer, choreographer, actor, director and painter na si Direk Al Quinn, Alcuin Gargaritano Pastrano sa tunay na buhay.

Si Direk Al ay pumanaw nung nakaraang Biyernes, October 23 sa California, USA where he and his family are based.

Direk Al or Tito Al ang tawag sa kanya ng mga taong nakakakilala sa kanya.

Direk Al was the director ng longest-running “Superstar” musical show ng superstar na si Nora Aunor on RPN9. Pero nagsimula siya bilang dancer, choreographer at actor ng LVN Studios and Premiere Productions kung saan niya nakilala ang kanyang first wife na si Lani Oteyza (Elizabeth Barnes in real life). Si Direk Al ang napisil ng Premiere Productions na siyang mag-direk ng dream sequence ng pelikulang “Tipin” na launching movie ni Lani.

Sina Direk Al at Lani ay nagkaroon ng limang anak pero after so many years ay nauwi rin sila sa hiwalayan. In 1985, muling nag-asawa si Direk Al kay Elizabeth Bolanos na isang flight stewardess ng Cathay Pacific Airlines at nagkaroon sila ng tatlong anak.

Direk Al took up ballet lessons and Fine Arts sa University of Santo Tomas. Bago ang pagpipinta, first love niya ang pagsasayaw at pagku-choreograph. He also put up his own jazz dance group.

Nang magkita sila noon ng yumaong actor na si Pancho Magalona (father of the late Master Rapper Francis Magalona) sa isang fund-raising event, he asked him to be part ng isa nilang movie ng wife niyang si Tita Duran as dancer-choreographer-actor. Naging magkaibigan sina Direk Al at Pancho na siya ring nagbigay ng screen name niyang Al Quinn. Since then ay naging in-demand na si Direk Al bilang choreographer and dance director ng mga pelikula ng LVN Pictures and Premiere Productions. Gusto rin sana siyang kunin ng Sampaguita Pictures pero dahil gusto siyang gawing exclusive, hindi siya pumayag.

Ang LVN Pictures, Premiere Productions and Sampaguita Pictures were the top 3 film companies pre and post war at may kani-kanya silang roster of build-up stars and talents.

Si Pancho rin ang nagpakilala kay Direk Al sa yumaong comedy king na si Dolphy who took him as choreographer and dance director sa movies niya under his own RVQ Productions.

Halos lahat ng malalaking events noon ay si Direk Al ang tina-tap para mag-direk including various awards nights and beauty pageants. Bilang pintor, ilang beses na rin siyang nagkaroon ng solo exhibits.

Si Direk Al din ang nagdirek noon sa “Carmen in Color” musical show ni Carmen Soriano. Ang iba pang programang kanyang dinirek sa TV include “Bahay Mo Ba `To?” na tinampukan nina Ronaldo Valdez, Tessie Tomas at Gladys Reyes sa GMA in 2004 at ang “Quizon Avenue” in 2005 sa ABS-CBN na pinangunahan ni Dolphy and his children.

Si Direk Al din ang paboritong director ng Airtime Marketing Philippines, Inc. ni Tessie Celestino na producer ng maraming major events tulad ng mga awards night.

Reunion movie project nina JLC at Bea next year na gagawin

ANG love team nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa bakuran ng ABS-CBN ay maituturing na isa sa most successful. Ang dalawa ay huling nagtambal sa hit movie na “A Second Chance” in 2015 na dinirek ng kanilang paboritong director na si Cathy Garcia-Molina na siya ring nagdirek ng ilan sa kanilang mga blockbuster movies tulad ng “Close to You” in 2006, “One More Chance” in 2007, “Miss You Like Crazy” in 2010 at iba pa.

Dapat ay may reunion movie project sina JLC at Bea this year na pamamahalaan ni Direk Cathy under Star Cinema pero nagkaroon ng lockdown at quarantine dahil sa pandemya. Pero umaasa ang box office director na matutuloy pa rin ito hopefully, next year gayundin ang iba pang film projects na nasa pipeline.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Member: Professional Artists Managers Inc. (PAMI)