Ate Guy inisnab ang kasal ni Lotlot

December 18, 2018
Lotlot de Leon

ISA nang ganap na Mrs. Fadi El Soury ang aktres na si Lotlot de Leon matapos siyang ikasal sa kanyang longtime partner at fiancé, ang Lebanese businessman na si Fadi El Soury sa isang beach and garden wedding sa El Jardin de Zaida in San Juan, Batangas  last Monday, December 17.

Tulad nung ikasal ang panganay na si Ian de Leon at wife nitong si Jennifer Orcine  nung July 12, 2015, hindi dumalo superstar mom nila na si Nora Aunor.  Pero naroon ang adoptive father ni Lotlot, ang drama king na si Christopher de Leon at wife nitong si Sandy Andolong.  Naroon din ang magkakapatid na Ian, Matet, Kiko at Kenneth gayundin ang mga anak ni Lotlot sa kanyang ex-husband na si Ramon Christopher Gutierrez (Monching) na sina Janine, Jessica, Diego at Maxine na aprubado ang muling pag-aasawa ng kanilang ina.

Si Janine ay sinamahan ng kanyang boyfriend na si Rayver Cruz.