Ate Guy, pati tunay na ama at ina, wala sa kasal ni Lotlot

December 19, 2018
Lotlot de Leon

SAMANTALA, sa kasal ni Lotlot de Leon kay Fadi El Soury  last December 17 na ginanap sa El Jardin de Zaila in San Juan, Batangas, wala ang adoptive mom niyang si Nora Aunor. Weeks before the wedding ay tinext umano ni Lotlot ang kanyang Mommy (Nora) to invite her at tinanong kung saan dadalhin ang invitation pero hindi umano ito sumagot.

Hindi rin nakadalo ang American biological dad ni Lotlot na si Donald Olson. Kaoopera lang nito at kalalabas lang ng ospital. Ito’y naka-base sa Florida, USA.

Maging ang kanyang US-based Filipina biological mother na si Eva Rodriguez  ay hindi rin nakarating dahil hindi umano ito nakakuha ng leave of absence sa pinapasukang trabaho.

Pero dumating ang kanyang biological half-siblings (sa father side) na sina Dawn Evans, Donna Bennett at Myria Dufresne.  Kumpleto rin ang kanyang mga kapatid na sina Ian, Matet, Kiko at Kenneth.  Hindi rin nakarating ang isa sa mga ninong na si dating President at ngayon ay mayor ng Maynila na si Joseph `Erap’ Estrada.  Ang iba pang tumayong mga ninong ay sina Direk Erik Matti, Alex Ignacio at ang ating colleague na si Rommel Gonzales.  Naroon ang mag-asawang Christopher de Leon at Sandy Andolong.  Si Boyet (Christopher) ang kinagisnan at kinikilalang ama ni Lotlot.  Si Sandy ay isa sa mga tumayong ninang along with Malou Choa-Fagar and Nadia Montenegro.  Ang kaisa-isang anak na lalaki ni Lotlot na si Diego sa kanyang ex-husband na si Moching (Ramon Christopher Gutierrez) ang naghatid sa kanya sa altar.  Tumayo namang mga abay ang mga kapatid ni Lotlot na sina Matet, Ian, Kiko at Kenneth.  Maid of Honor ang panganay ni Lotlot (kay Monching) na si Janine Gutierrez at Best Man naman ang nobyo ni Janine na si Rayver Cruz.

Napaiyak naman si Lotlot nang siya’y isayaw ng kanyang amang si Christopher de Leon.  Naging emotional din si Boyet (Christopher) sa kanyang wedding message para sa kanyang panganay at sa mister nitong si Fadi.

Dumating din ang lola ni Lotlot (sa father side) na si Lilia Dizon gayundin ang ilang mga kaibigan niyang sina Shyr Valdez, Arlene Muhlach, Cheenee de Leon at dating mga kasamahan sa “That’s Entertainment” tulad nina Cris Villanueva, Manolet Ripol at Bimbo Bautista.