Ate Vi turns 66, gusto nang magkaapo kay Luis

November 02, 2019
Vilma Santos, Luis Manzano and Jessy Mendiola
Vilma, son Luis with girlfriend Jessy

MULTI-AWARD winning actress, dancer-host-turned-politician Maria Rosa Vilma Tuazon Santos-Recto  turns 66 today, November 3.

Vi’s career spans more than five decades now magmula nang gawin niya ang kanyang kauna-unahang pelikula in February 1963 when she was 9 years old, ang “Trudis Liit” na dinirek ni Jose de Villa.  Nakasama ni Vi sa nasabing pelikula si Connie Angeles at ang mga yumaong actors na sina Lolita Rodriguez, Bella Flores, Charlie Davao, Rodolfo `Boy’ Garcia, Matimtiman Cruz, Ray Marcos at iba pa.

Hanggang sa paglaki ni Vi ay nagpatuloy siya sa kanyang pagiging mahusay na aktres, dancer at pagiging TV host.  Naging ka-loveteam din niya noon si Edgar `Bobot’ Mortiz na isa na ngayong TV director bukod sa pagiging actor-comedian.

Ang Drama King na si Christopher de Leon ang pinaka-successful movie partner ni Vi dahil nakagawa sila ng mahigit 24 movies bilang magkapareha at lahat kumita sa takilya.  Pero sa kabila nito, never silang na-link sa isa’t isa.

“Maybe because pareho kaming may ibang karelasyon  nung gumagawa kami ng pelikula,” pagbabalik-tanaw ni Boyet (Christopher).

When Vi married model-turned actor Edu Manzano in 1980, tumagal lamang ng two years ang kanilang pagsasama at nauwi ito sa hiwalayan when their only son, Luis Manzano was only a toddler.  Sixteen years later, muling nagpakasal si Vi sa young politician noon na si  Ralph Recto (in 1998) at sila’y biniyayaan ng isang anak, si Ryan Christian Santos Recto who is now 23 years old at inaasahang susunod sa yapak ng kanyang celebrity parents sa larangan ng pulitika.  Habang si Luis ay isang actor-comedian and most in-demand TV host na minana din siya sa kanyang popular parents. Isa rin siyang matagumpay na entrepreneur.

Vi has remained good friends with her ex-husband and the father of Luis  na si Edu up to now.

Samantala, kung meron mang birthday wish si Vi sa kanyang kaarawan ay ang good health at pagiging masaya ng kanyang pamilya at mga mahal sa buhay at makita ang kanyang mga anak na sina Luis at Christian na maging  happily married someday at ang pagkakaroon niya ng mga apo sa mga ito.

“Pero mauna na muna si Luis, huwag muna si Christian kasi bata pa siya,” natatawang pahayag ng Star for All Seasons  at birthday girl na si Vi.