Home>Entertainment>Showbiz>Aubrey at Troy itutuloy pa rin ang kasal

Aubrey at Troy itutuloy pa rin ang kasal

Aubrey Miles and Troy Montero
Aubrey Miles and Troy Montero

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin kasal ang longtime partners, ang singer-actress, entrepreneur at vlogger na si Aubrey Miles ( Aubrey Santos Sandel) – 42 at ang Fil-American actor-entrepreneur na si Troy Montero (Cody Andrew Garabato Miller)-43, not because hindi sila naniniwala sa kasal kundi na-abort ang kanilang planned wedding nung isang taon dahil sa pandemic.

Aubrey Miles and Troy Montero
Aubrey Miles and Troy Montero

The couple were supposed to have an intimate wedding noong isang taon at plantsado na ang lahat nang biglang magka-pandemya kaya wala silang choice kundi kanselahin muna ito.

Except for his younger brother na si KC Montero na narito sa Pilipinas, ang parents ni KC na sina Cody Miller, Sr. at Cynthia Garabato-Miller at younger brother niyang si Coby Miller ay sa Amerika naka-base.

Pero plano pa rin nila itong ituloy kapag maganda na ang sitwasyon.

Ang couple ay meron nang dalawang anak, ang 12-year old son na si Hunter Cody Miller at ang kanilang two-year-old daughter na si Rockett Miller. Si Aubrey ay may 19-year-old son sa dati nitong karelasyon na si JP Obligacion, apo ng yumaong actor-comedian na si Oscar Obligacion.

Troy runs his own production house while Aubrey is a fitness trainer, plantita and runs her own pawnshop business bukod pa sa kanyang pagiging vlogger.

The couple will soon realize their dream house somewhere in Antipolo.

Mga anak nina Luane at Ryza Kristiyano na

KRISTIYANO na ang magkahiwalay na babies ng mag-asawang Luane Dy at Carlo Gonzalez, ang eight month old na si Xpiotos at ang almost three months old baby ng mag-partner na Ryza Cenon at cinematographer Miguel Cruz na si Night.

Si Baby Xpiotos ay isinilang ng Kapuso TV host-actress nung nakaraang May 2020 habang nung October 2020 naman ipinanganak ng actress na si Ryza si Baby Night.

Balik na rin pareho sa kanilang respective work sina Luane at Ryza.

Meg hindi pinadapa ng depresyon

ALTHOUGH walang pelikula ang 28-year-old Viva actress na si Meg Imperial nung nakaraang taon dahil sa pandemya, dalawa naman sa mga pelikula na kanyang tinapos before the pandemic ang magkasunod na ipapalabas ngayong January 22 at February 5, respectively, ang action-comedy movie na “Steal” at ang feel-good movie na “Sana All” na parehong pinamahalaan at produced ni Bona Fajardo under BlueArt Productions in cooperation with Viva Films.

Ayon sa actress, ginawa umano niyang productive ang kanyang oras during the lockdown.

Hindi ikinakaila ni Meg na dumaan din siya sa depression pero hindi niya hinayaang na matalo ang kanyang disposisyon sa buhay.

Aminado rin ang aktres na mahiyain siya at ito’y napapagkamalan na siya’y suplada at isnabera. Pero unti-unti na umano niya itong binabago at ginagawan ng paraan na mag-reach out at makipag-bonding sa kanyang mga nakakatrabaho tulad ng kanyang leading man sa bago niyang movie na “Sana All” na si Arvic Tan.

Ayon kay Meg, 2013 pa umano sila magkakilala at magkaibigan ni Arvic dahil magkasama sila sa launching movie ni Meg sa bakuran ng Viva, ang “Menor de Edad”. Since then ay naging magkaibigan na sila pero hindi ito umabot na sila’y magkaroon ng espesyal na relasyon.

Inamin pareho nina Meg at Arvic na pareho silang in a relationship ngayon sa hindi taga-showbiz. Since magkaibigan ang dalawa, wala nang ilangan sa kanila kahit sa intimate scenes.

Bukod sa “Steal” at “Sana All,” may iba pang proyekto si Meg sa taong ito at kasama na rito ang “Jesus Christ: Virgin People” na joint production ng Viva Films, Spring Films at Brightlight Productions.

Dantes family namamayagpag na rin bilang endorser

Dingdong Dantes and Marian Rivera
Dingdong Dantes and Marian Rivera

PAGKATAPOS ng Kramer family nina Doug Kramer and Cheska Garcia-Kramer and their kids, Legaspi family ng mag-asawang Carmina Villarroel at Zoren Legaspi and their twins at Muhlach family ng couple na Aga Muhlach at Charlene Gonzales and their twins, sumusunod ngayon ang Dantes family ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera kasama ang kanilang dalawang tsikiting na sina Zia at Ziggy na gumagawa ng TV commercial bilang isang pamilya.

Nauna nang magkaroon ng TVC ang mag-inang Marian at Zia na sinundan nilang tatlo with Dingdong, ngayon ay kumpleto na ang pamilya Dantes sa isang milk TV commercial.

Marami ang naaaliw sa bagong commercial ng mag-anak dahil ito ang first product endorsement ng kanilang almost two-year-old son na si Ziggy.

Ayon sa mag-asawang Dingdong at Marian, diretso sa bank ang kinikita ng dalawa nilang anak na sina Zia at Ziggy. When the kids are of their legal age ay saka lamang sila magkakaroon ng access sa kanilang respective bank accounts.

Gusto rin ng mag-asawang Dingdong at Marian na magtapos muna sa pag-aaral ang mga bata bago ito mag-showbiz kung nanaisin ng mga ito balang araw.

Hindi kami magtataka kung magiging endorser din ang pamilya ng isang kilalang food chain brand at iba pang produktong pampamilya.

Ang mag-asawang Dingdong at Marian ay hands-on parents sa kanilang dalawang anak.

Janella at Markus malakas na ang loob na ipakita ang anak

MAGMULA nang ipakita sa publiko ng magkasintahang Janella Salvador at Markus Paterson ang kanilang three-month old baby na si Jude Trevor na isinilang sa United Kingdom nung October 20, 2020, naging open na rin ang dalawa sa pagpu-post ng kasama nila ang bata.

Ayon kay Janella, isa ang kanyang co-star sa “The Killer Bride,” ang tiyahing si Maja Salvador sa mga unang-unang nakaalam tungkol sa kanyang pagbubuntis.

Hanggang ngayon ay `My Emma’ (Janella’s character in “The Killer Bride”) ang tawag ni Maja kay Janella. Although hindi close noon sina Maja at Janella bago sila nagsama sa “The Killer Bride,” naging instant ang bonding nila nang magsama sa serye.

Updated din si Maja sa journey ni Janella sa kanyang pagbubuntis hanggang sa kanyang panganganak kay Baby Jude. Hindi napigilan ni Maja ang mapaiyak nang makita ang pictures at video ni Baby Jude. Nakita rin ni Maja ang pagiging extra caring ni Markus kay Janella bagay na kanyang ipinagpapasalamat.

Inamin ni Janella na magkahalong kaba at excitement ang kanyang naramdaman when she learned that she was pregnant. Nasa Boracay umano sila noon ni Markus with Janella’s handler na si Allan nang mag-pregnancy test siya twice at parehong positive ang result. Unang nakaalam si Allan at sumunod doon si Maja na tinawagan ni Janella.

Kahit 22 pa lamang pareho sina Janella at Markus and young to become parents, nakikita ni Maja ang pagiging masaya ng dalawa laluna na ngayon na meron na silang baby.

Sina Janella at Markus ay nagkalapit sa isa’t isa matapos nilang magsama sa isang episode ng MMK (“Maalaala Mo Kaya”). At that time ay pareho pang in a relationship sa iba ang dalawa pero inamin ng Filipino-English singer-actor na kakaiba umano ang kanyang naramdaman nang magkatrabaho sila ni Janella.

Subscribe, like, share and press the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo” on YouTube, follow me on Instagram and Facebook:@asteramoyo and Twitter:@aster_amoyo.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger