Auction para sa paintings ni Mark Bautista nagsimula na

June 01, 2020
Mark Bautista
Mark Bautista

THIRTY six-year-old singer-actor Mark Bautista felt bad na nag-crash ang kanyang laptop kung saan naroon lahat ng kanyang minus-one, rason kung bakit hindi siya nakapag-participate sa iba’t ibang invites for him to perform online for various fundraising projects.  He thought of other means na makatulong at dito niya naisip ipa-auction lahat ng kanyang mga sariling paintings. Ang mapapagbilhan ay idu-donate niya sa Shop & Share fundraiding ng actress na si Angel Locsin na ang proceeds naman ay pambili ng testing kits para sa less fortunate nating mga kababayan.  Ang online  auction ng paintings ni Mark ay nagsimula sa araw na ito ng June 1.

Ngayong nasa GCQ (general community quarantine) na ang buong Luzon at iba’t ibanglugar ng Pilipinas, umaasa si Mark na ibayong ingat pa rin ang ipapatupad ng lahat ng komunidad dahil nariyan pa rin ang banta ng Covid-19 na kumitil na ng napakaraming buhay hindi lamang sa Pilipinas kundi sa iba’t ibang panig ng mundo.

Under the new normal circumstances, nanganganib pa rin ang trabaho at kabuhayan ng napakaraming tao sa lahat ng sector at kasama na rito ang mga singers-performers katulad niya.

Isa si Mark sa nananalangin na sana’y makahanap na ng lunas laban sa Covid-19 na patuloy pa ring nananalasa hindi lamang sa Pilipinas kung hindi maging sa iba’t ibangparte  ng mundo.