Audio recording ng pananakot kay Nicko, inamin ni Kris

January 15, 2019
Nicko Falcis & Kris Aquino

Walang binanggit na pangalan si Kris Aquino sa post niyang may header na “Lesson for Today: January 15, 2019” pero sa hashtag na “#dontbeasawsawero” at “dontmakesawsaw” mga sawsawero sa isyu ang tinukoy at lalaki dahil “him” ang ginamit ni Kris.

Ito’y matapos kumalat online ang sinasabing audio recording ng threat na ginawa niya kay Nicko Falcis, na inamin din ni Kris na totoo sa isang post.

Pero, bluff lang daw iyon dahil sa sobrang galit.

“Kalurx kasi ’yung in much need of a workshop because ’yung voice acting kulang (at least ako drama queen ang pintas ng trolls and may guessing game na kung kailan papatak ang tears on TV) sorry ha, but last time I saw him face to face when I asked for his resignation which he willingly signed, together with a quit claim & NDA, gusto akong kurutin ni R.A. because I was maldita and said -- YOU ARE SO ANNOYING, PLEASE ENROLL IN A WORKSHOP? 2 hours kang trying to cry, until now walang tears! sabay irap & walk out...”

Mahaba ang post ni Kris. Kung gusto ninyong mabasa ang kabuuan, visit her IG account.

As of yesterday, nasa Singapore pa siya, pero malapit nang bumalik ng bansa.

May dinelete na post si Kris kung saan sinabi niyang ’wag siyang takutin ng kalaban niya at kung may ikakaso sa kanya, mag-file ng charges.

Ang paliwanag ni Kris sa pagde-delete ng post ay mas bagay ang ipinalit niyang quotation card na, “Do not draw your sword to kill a fly.”