Baby boom nagsimula na

May 23, 2019

TAUN-TAON ay hindi nawawala ang baby boom sa showbiz.  This year, sinimulan ito ng first baby ng 2009 Miss Universe 1st runner-up na si Miriam Quiambao at ng second husband niyang si Eduardo ‘Ardy’ Roberto, isang Christian author and motivational speaker na si Elijah na isinilang nung February 16, 2019.

Si Miriam ay hindi nagkaroon ng anak sa kanyang unang husband, ang Italian businessman based in Hong Kong na si Claudio Rondinelli.  Ang dating couple ay ikinasal sa Boracay in 2004 but two years later ay nagkahiwalay din sila.  Muling nag-asawa si Miriam sa biyudong si Ardy nung March 25, 2014.
 
Nung April 16 naman ay isinilang ni Marian Rivera ang second child nila ng husband niyang si Dingdong Dantes an si Jose Sixto G. Dantes IV.  Ang panganay na anak ng mag-asawa na si Maria Letizia (Zia) ay three years and six months na.

Kasalukuyang ipinagbubuntis ni Andi Eigenmann ang kanyang second child, her first with new partner, ang surfing champion na si Philmar Alipayo ng Siargao.  Pitong taong gulang na ang panganay ni Andi na si Ellie na anak niya sa kanyang ex-boyfriend na si Jake Ejercito.

Buntis din ngayon ang Kapuso actress na si Chynna Ortaleza sa kanilang magiging second baby ng husband niyang singer-musician-actor na si Kean Cipriano.  Ang kanilang panganay na si Stellar ay nag-three years old last April 20.

Almost four months pregnant ngayon ang TV host na si Mariel Rodriguez sa kanyang husband na si Robin Padilla.  Ito bale ang kanilang pangalawa.  Ang kanilang panganay na si Isabella  ay magti-three years old sa November 14.

In a couple of months ay nakatakdang isilang ng aktres na si Gwen Zamora ang magiging unang baby nila ng kanyang fiancé, ang PBA cager na si David Semerad.

Bago si David ay na-link si Gwen kina Raymond Romualdez (anak ng Tacloban mayor na si Alfred Romualdez at stepson ng singer-actress-politician na si Cristina `Kring-Kring’ Gonzalez-Romualdez) at Jeremy Marquez kung kanino engaged na dati si Gwen pero nauwi ito sa hiwalayan.

Sa buwan naman ng July nakatakdang isilang ng actress-TV host na si Camille Prats ang magiging second baby nila ng kanyang second husband na si VJ Yambao. Ang kanilang panganay na si Nala Camilla ay magtu-two years old on September 22.  

It was in January this year nang ipanganak ng radio/TV host and actress na si Andi Manzano ang kanyang second daughter na si Corazon Amelia sa businessman husband nitong si GP Reyes.  Ang kanilang first born ay si Pilar Olivia, now more than three years old.