Baby boom, patuloy ngayong 2019

January 07, 2019
LJ Reyes

PATULOY ang baby boom sa showbiz ngayong taon na sinimulan ng Kapuso actress na si LJ Reyes (31)  who gave birth last January 4 to her second child pero first baby nila ng kanyang partner ngayong si Paolo Contis, isang baby girl na pinangalanan nilang si Summer Ayana.  Ang panganay na anak ni LJ na si Aki (Nathan Akio) – 8- ay anak niya sa actor na si Paulo Avelino.

Kung ang panganay ni LJ na si Aki ay sa New York, USA isinilang making him an American citizen, ang second baby naman niyang si Summer Ayana ay dito na sa Pilipinas ipinanganak.

Samantala, another expectant mom this year is 43-year-old former Miss Universe 1st runner-up and book author-entrepreneur na si Miriam Quiambao courtesy of her second husband na si Eduardo `Ady’ Roberto.

The couple got married in March 25, 2014.  Miriam was first married to Italian businessman Cladio Rendinelli at ikinasal ang dalawa nung January 2004 sa Boracay pero nauwi ito sa divorce two years later.   Hindi sila nagkaroon ng anak.   Bale second wife din si Miriam ni Ady whose first wife, Margot `Tingting’ Pelaez Linsangan, has passed away.  May anak si Ady kay Margot, si Joshua na ngayon ay kinu-consider ni Miriam as her own child.

Ang isa pang expectant mom this year ay ang dating Kapuso actress na si Nadine Samonte. Second child nila ito ng kanyang husband na si Richard Chua, anak ng veteran actress na si Isabel Rivas. Ang panganay ng mag-asawa ay si Heather Sloane na isinilang in 2016.

Sina Nadine at Richard ay ikinasal nung October 31, 2013 sa farm ni Isabel sa Zambales.

Malapit na ring magkaroon ng kanilang first baby ang mag-asawang Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap na ikinasal last August 8, 2017 in Tagaytay.  The couple is expecting in the next couple of months.

Arthur's cousin, Dindong Dantes and  wife Marian Rivera are also expecting their second child, this time a son.  Ang panganay ng mag-asawa na si Maria Letizia o Zia ay three years old na.

It was only last August 6, 2018 nang ikasal ang dating TV Patrol’s Star Patroller na si Ginger Conejero sa American husband nitong si Bruno Saab na ginanap sa Most Holy Rosary Chapel in San Francisco, USA.  In November 2018, in-announce ng couple na magkakaroon na sila ng baby this year.

Six months pregnant naman ngayon ang wife ni Archie Alemania na si Gee Canlas.  Ang ipinagbubuntis ngayon ni Gee ay pang-apat na anak na bale ni Archie.  May dalawang anak ang actor-comedian sa isang non-showbiz na babae, sina Gabby at Kai, habang ang kanyang pangatlong anak na si Brent ay anak niya  sa actress na si  Mickey Ferriols.

Ipinagbubuntis ngayon ng singer-actress na si Karel Marquez-Farinas ang kanilang magiging first baby ng businessman-husband niyang si Sean Farinas. Si Karel ay nagkaroon ng miscarriage last year sa magiging unang supling sana nila ni Sean.

Karel has two other children sa kanyang dating karelasyon na si Arman de Guzman na sina Keiley at Kyler.