Baby girl for Solenn and Nico

September 10, 2019

BABY girl ang magiging first baby ng mag-asawangSolenn Heussaff at Nico Bolzico na nakatakdang isilang sa unang buwan ng 2020.

Since Fil-French si Solenn at Argentinian naman siNico, tatlong iba’t ibang kultura ang mananalaytay sa dugo ng magiging unang supling ng mag-asawa.

Ayon kay Nico, gusto niya na ma-absorb ng kanilang magiging anak ni Solenn ang Filipino values and culture at matuto itong magsalita ng Tagalog at Spanish.  Spanish dahil bukod sa ito ang language ni Nico sa Argentina, hindi umano marunong magsalita ng English ang kanyang parents. Choice na umano ng kanilang magiging baby kung gusto nitong mag-aral ng salitang French pero dominant sa kanila ang pagsasalita ng English.

Ngayong malapit nang maging parents sina Solennat Nico, sumunod na rin kaya sa kanila ang mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heussaff? The couple will be celebrating their 2nd wedding anniversary this coming November 12.

Ang mga product endorsement umano ni Anne ang pumipigil na hindi pa siya puwedeng magbuntis.  Pero kung papalarin, baka i-consider na rin ng couple ang pagkakaroon ng baby either next year or sa taong 2021.