Bagong blessing, gustong sarilinin ni Alden

November 15, 2018
Alden Richards

SINARILI ni Alden Richards ang bagong blessing na dumating sa kanya kamakailan. Materyal na bagay raw ’yon pero mas gusto niyang isikreto muna ang lahat.

Hindi kataka-takang magsunud-sunod ang blessing na dumarating sa Pambansang Bae.

Lingid sa kaalaman ng marami, may mga scholar din siyang pinapaaral.

Anyway, ngayong gabi na ang huling laban ni Alden dahil patapos na ang Kapuso series niyang Victor Magtanggol.

Wala naman siyang regrets sa paggawa nito dahil marami naman siyang napasayang bata na umiidolo sa kanya bilang superhero.

Pagkatapos ng series, gusto naman niyang magdrama sa next project.

Kung may offer na movie, game rin siyang gawin ito.

Bilang regalo naman sa sarili ngayong Pasko, isang bakasyon sa Amerika ang gagawin niya kasama ang kanyang buong pamilya.