Home>Entertainment>Showbiz>Bagong ‘Meteor Garden,’ balik-telebisyon

Bagong ‘Meteor Garden,’ balik-telebisyon

Meteor Garden

Sorpresa ang handog ng ABS-CBN sa Asianovela fans sa pagbabalik telebisyon ng bagong “Meteor Garden” bukas, Lunes (Mayo 4).

Sundan muli tuwing hapon ang kwento nina Shancai at Daoming Si at kung paano nila ipinaglaban ang pagmamahalan, kasama ang mga miyembro ng F4 na sina Huaze Lei, Fang Meizuo at Ximen Yan.

Unang umere ang 2018 remake ng sikat na Asianovela sa ABS-CBN noong Agosto 2018.

Mainit itong tinanggap ng viewers matapos magkamit ang pilot episode nito ng 21.4% national TV ratings.

Mapapanood ang “Meteor Garden” bago mag-“TV Patrol.”