Bagong TV series nina Liza at Enrique, kukunan sa Croatia

September 25, 2019
Liza Soberano at Enrique Gil
Liza Soberano at Enrique Gil

MATAPOS mapanood ang magka-loveteam at real life sweethearts na sina Liza Soberano at Enrique Gil sa kanilang hit movie na “Alone/Together” na dinirek ni Antoinette Jadaone  under Black Sheep Productions, muling mapapanood ang LizQuen sa isang bagong teleserye na pinamagatang “Make It With You” na muling pinamamahalaan ng box office director na si Cathy Garcia Molina.  Si Direk Cathy ang nag-direk ng first two hit TV series ng LizQuen, ang “Forevermore” in 2014 at ang “Dolce Amore” in 2016 and their biggest movie to date, ang “My Ex and Whys” in 2017.

Ang tropa ng “Make It With You” kung saan kasama ang Japanese ex-PBB housemate-turned actor-comedian na si Fumiya Sankai ay tumulak patungong Croatia (part of Europe) kung saan kinukunan ang ilang mga eksena bago ito ipagpatuloy sa Pilipinas.

Ang loveteam nina Liza at Enrique ay isa sa pinaka-successful showbiz team-up sa kasalukuyan following the popularity ng KathNiel loveteam ng magkasintahang Kathryn Bernardo and Daniel Padilla.

Ang “Make It With You” at pang-apat na TV series na bale ng LizQuen na huling napanood sa kanyang fantasy-action TV series na “Bagani” nung isang taon.

Samantala, ang “Make It With You” ang first TV na sasalihan ni Fumiya matapos siyang lumabas sa PBB house.  On a semi-regular basis din siya sa weekly sitcom na “Home Sweetie Home: Extra Sweet”.

Tulad ng Korean ex-PBB housemate-turned actor-comedian-TV host na si Ryan Bang, ginu-groom ngayon si Fumiya ng Kapamilya network bilang actor-comedian.

Si Fumiya ay isang Japanese vlogger na gustung-gusto ang Pilipinas.