Bagong TV show ni Kris napurnada

July 09, 2020
Kris Aquino
Kris Aquino

HINDI pa man nakakapag-ere ang unang episode ng comeback TV show ni Kris Aquino na “Love Life with Kris” produced by a blocktimer na nakatakda sanang magsimula on July 25 on TV5  and every Saturday thereafter, may mga nagsabi na hindi na umano ito matutuloy as planned and scheduled due to political reasons.

Hindi man political figure si Kris, very strong ang kanyang affiliation sa pulitika dahil bunsong anak siya ni dating Sen. Ninoy Aquino at dating Pangulong Corazon Aquino at kapatid ni dating President Noynoy Aquino na alam naman ng lahat na kalaban ni Pangulong Duterte at mga kaalyado.  Tila si Kris umano ang naiipit sa dalawang nag-uumpugang political heads.

Mukhang hindi rin welcome si Kris na magbalik-GMA na kanyang iniwan noon para lumipat ng ABS-CBN with King of Talk Boy Abunda.

Although Kris has a huge following on TV, mukhang mahihirapan itong mag-balik-TV sa ngayon unless magbago ang sitwasyon.

Ito marahil ang dahilan kung bakit biglang nagbakasyon si Kris kasama ang bunsong anak na si Bimby sa Pineda family owned Pradera Verde sa Pampanga habang ang panganay niyang si Joshua opted to stay in Tarlac.

Si Kris ay nasa pangangalaga ngayon ng Cornerstone Entertainment ni Erickson Raymundo.