‘Bahaghari’ ni Julie Anne, #1 sa iTunes pre-order chart

July 03, 2020
Julie Anne San Jose
Julie Anne San Jose

20 straight days nang nangunguna sa iTunes Philippines pre-order chart ang upcoming song ni Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose na ‘Bahaghari’.

Isa ulit itong collaboration kasama ang rapper na si Gloc-9. Unang gumawa ng ingay ang 2019 single nilang dalawa na ‘Maleta’, at ngayon ay inaabangan na rin ng fans ang worldwide release ng ‘Bahaghari’ sa July 10.

Ayon sa fans ni Julie Anne, siguradong magiging chart-topping na naman ang kantang ito.