Bahay ni James ibinebenta

February 27, 2020
James Reid

IBINEBENTA umano ni James Reid ang kanyang 7-bedroom house sa Loyola Grand Villas in Quezon City from P82M to P85M na kanyang naipundar nung siya’y nasa pangangalaga pa ng Viva. Dito sila nag-live in ng ex na si Nadine Lustre.

Bakit kaya? Gusto lamang niyang mabura ang mga happy memories na pinagsaluhan nila dati ni Nadine.

Samantala, first project ni James outside Viva ang “Soulmate Project” TV series kung saan niya co-star ang Korean K-pop star na si Nancy McDonnie ng Momoland.

First TV series naman ni Nadine ang “Burado” minus James at kung saan niya mga kabituin sina Julia Montes, Zanjoe Marudo, Paulo Avelino at ang Thai actor na si Denkhun Ngamnet.

Tahimik ngayon ang kampo ni Nadine magmula nang pumalag ang Viva sa kagustuhan ng singer-actress na kumawala sa kanyang management contract with Viva na tatagal pa hanggang 2029.

Samantala, sa kabila ng pagiging hiwalay na bilang magkasintahan at dating live-in partners nina James at Nadine ay nananatili pa ring close na magkaibigan ang dalawa kaya patuloy na  umaasa ang JaDine fans na may pag-asa pa umanong magkabalikan ang dalawa.