This Band may bagong kanta

February 21, 2020

REBOUND ang title ng bagong single  ng This Band, ang grupo nina Andrea Manzano, Euwie Von Loria. Miccael Galvan, John Macaranas, Raymat Gubat at Melvin Carso.

Ang Kahit Ayaw Mo Na ang unang hit song ng This Band at hanggang ngayon, madalas pa rin na pinatutugtog sa FM at AM stations.

Mahigit sa 20 million na ang views sa Youtube video ng Kahit Ayaw Mo Na at inaasahan na magiging kasing-init ang pagtanggap ng publiko sa Rebound na hugot song din ang kategorya.

Tungkol sa stop-gap relation na hahantong din sa hiwalayan ang lyrics ng Rebound. Pinatunayan ng This Band na ang grupo nila ang de facto ‘hugot’ music spokespersons ng kanilang henerasyon kaya popular na popular sila sa millennials.

Unang inawit ng This Band ang Rebound sa This Jam: This Band Single Launch, ang special gig nila sa All Home Las Pinas rooftop noong February 1, 2020. Special performers sa Rebound launch sina Janine Tenoso, John Roa, Miss Ramonne at ang mga banda ng Kuatro Kantos, PAR, Out of Order at Pusakalye.