Home>Entertainment>Showbiz>Bangs manganganak na sa second baby

Bangs manganganak na sa second baby

Bangs Garcia

ANYDAY ay nakatakdang isilang ng Filipino actress-painter na si Bangs Garcia (33)  ang kanilang magiging second baby ng Fil-Brit husband niyang si Lloyd Birchmore na isang property developer.  Baby girl muli ang isisilang ni Bangs na in-announce niya sa Instagram last May.

Ang firstborn ng mag-asawa na si Amelia  na isinilang sa London ay magti-three years old na sa darating na December 5.

Bangs and Lloyd got married thrice.  Una sa London in 2016  sa pamamagitan ng isang civil wedding rites na sinundan ng church and beach wedding sa Boracay in January 2017.  December 5 naman isinilang ang kanilang panganay na si Amelia.   The couple got engaged nung January 2016 on the same spot kung saan sila unang nagkakilala in January 2015.

Ang mag-asawang Bangs at Lloyd  with their daughter Amelia ay sa London na naka-base ngayon.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger