Home>Entertainment>Showbiz>Barbie inaabangan ang paggiling sa TikTok

Barbie inaabangan ang paggiling sa TikTok

MUKHANG unti-unti na ring nahu-hook ang Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza sa TikTok. Parami nang parami na rin kasi ang regular na nag-aabang sa bawat video niya rito.

Kamakailan ay napa-wow ang online viewers sa kanyang videos tampok ang mga sikat na dance craze na “Ice Cream” ng BLACKPINK at ni Selena Gomez pati ang single nina YG, 2 Chainz, Big Sean, at Nicki Minaj na “Big Bank.”

Amazed hindi lang ang kanyang fans kundi pati ang kapwa Kapuso artists na sina Aiai Delas Alas, Gladys Guevarra, Shaira Diaz, at Ashley Rivera sa paggiling ni Barbie. Inuulan ng positive comments ang Instagram niya kada post ng aktres ng mga sayaw niya.

Samantala, malapit nang magbalik-taping ng pinagbibidahan niyang primetime series na ‘Anak ni Waray vs. Anak ni Biday’ sa GMA Telebabad.

Publication Source :    People's Journal
Eugene E. Asis
Founding Member: Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) / Entertainment Editor, People's Journal