Barbie, iniisip na ang kasal kay Jak

February 19, 2019
Barbie Forteza

FAST forward na ang nasa utak ni Barbie Forteza sa relasyon nila ni Jak Roberto.

Sa love letter nila sa isa’t isa na inilabas sa video, ibinahagi ni Barbie ang mga ugaling gusto niya sa boyfriend tuwing may mood swings siya.

“And also, when  am angry thank you for understanding and saying sorry first. Kahit hindi mo kasalanan. Ikaw ’yung nagsu-sorry.

“I love you because I don’t pretend to be someone I’m not when I’m with you. Sorry for annoying you sometimes, for bashing your hair,” bahagi ng sulat ni Barbie.

Heto ang huling pasabog ng bida ng series na Kara Mia.

“I hope and pray that we would still be like this on our wedding day.”

O, laban kayo? Para kay Barbie, si Jak na ang gusto niyang makasama habambuhay, huh!

* * *

INIWAN ni Xian Lim ang girlfriend na si Kim Chui at ang paglalaro sa Maharlika Pilipinas Basketball League para samahan si Cristine Reyes sa shooting ng pelikula nilang Untrue sa Georgia.

Sa totoo lang, ibang-iba ang hitsura ni Xian ngayon dahil balbas-sarado talaga ang mukha niya.

Nag-mature at bruskung- brusko ang dating.

Si Cristine naman,nagpakulay ng buhok para sa role niya. Red ba ’yon, Ian F?

Sa pagbabalik nilang dalawa, ang promotions naman ng movie na Maria ang aatupagin ni Cristine.