Home>Entertainment>Showbiz>Barbie, Jak ‘di nakatulog dahil sa milestone project

Barbie, Jak ‘di nakatulog dahil sa milestone project

Barbie Forteza and Jak Roberto
Barbie Forteza and Jak Roberto

MAY bagong dapat abangan ang fans mula sa Kapuso couple na sina Barbie Forteza at Jak Roberto dahil mayroon na silang kauna-unahang endorsement together.

Post ni Jak sa Instagram, isa itong milestone para sa kanilang dalawa ni Barbie kaya naman ipinasilip nila ang ilang kuha mula sa kanilang shoot sa latest vlog niya.

“Working with Barbie on teleseryes is one thing but having our very first endorsement together is such a fulfillment for both of us. The whole shoot went smoothly and we all had fun. Barbie and I didn’t even get to sleep the night before the shoot because of excitement. We hope you like this vlog,” lahad niya.

Mapapanood ang behind-the-scenes sa kanilang K-drama inspired shoot sa YouTube channel ni Jak.

Lovi at Benjamin sumabak na sa lock-in taping

BALIK-taping na sina Lovi Poe at Benjamin Alves para sa pagbibidahan nilang upcoming Kapuso romantic-comedy series na ‘Owe My Love’.

Ibinahagi ng lead stars sa kanilang social media accounts ang unang araw nila sa isang buwang lock-in taping para sa much-awaited GMA Public Affairs rom-com series. Gagampanan nila ang makukulay na karakter nina Sensen Guipit (Lovi) at Doc Migs Alcancia (Benjamin) na magku-krus ang mga landas dahil sa pag-ibig at pera. Maliban kina Lovi at Benjamin, dumating na rin sa location ang ilan pang pang cast members.

Kasama rin sa ‘Owe My Love’ sina Aiai Delas Alas, Winwyn Marquez, Leo Martinez, Nova Villa, Jackie Lou Blanco, Ruby Rodriguez, Mike “Pekto” Nacua, Ryan Eigenmann, Buboy Villar, Kiray Celis, Jelai Andres, Jon Gutierrez, Jason Francisco, Divine Tetay, Donita Nose, at Mahal.

Mike dalawang dekada nang Imbestigador ng bayan

Mike Enriquez
Mike Enriquez

TWENTY years na pala ngayong 2020 ang GMA Public Affairs program na Imbestigador. Ibig ding sabihin nito ay dalawang dekada na ang award-winning broadcast journalist at ‘Sumbungan ng Bayan’ na si Mike Enriquez sa paghahatid ng Serbisyong Totoo sa viewers at sa mga naghahanap ng aksyon at katarungan.

Marami nang natulungan ang Imbestigador at patunay lang ang tagal nito sa telebisyon at mga award na tinatanggap ng programa na talagang pinagkakatiwalaan ito ng publiko.

Isa ang Imbestigador sa mga programang nakapagpalabas agad ng fresh episodes kahit pa may pandemya. Noong Hulyo ay nagkaroon ito ng series ng investigative reports na tumatalakay sa COVID-19. Sinundan pa ito ng paglalahad ng mga krimeng naganap sa gitna ng community quarantine sa “Imbestigador: Quarantine Crimes” series.

Congratulations sa Imbestigador at kay Mike Enriquez.

Shaira aminadong ‘one of the boys’

Shaira Diaz
Shaira Diaz

INAMIN ni Shaira Diaz sa GMA Artist Center online show na “In The Limelight” ang kanyang pagiging “one of the boys.”

Ayon kay Shaira, “Simula bata ako, puro lalaki na ‘yung mga kasama ko. Unang-una, sa family ko, only girl ako then ‘yung cousins ko puro lalaki talaga sila lahat. Kaya, ayun, ‘yung mga nagiging barkada nila, nagiging barkada ko rin.”

“Nahilig din ako sa rough games ‘nung bata ako tapos katulad ngayon, gamer ako, naglalaro ako ng DOTA, naglalaro ako ng ML (Mobile Legends), halos puro panlalaki na games. Pero ayun nga, ‘yun ang dahilan kung bakit one of the boys ako,” dagdag pa ni Shaira.

Sa ngayon, patuloy ang paghahanda ni Shaira sa upcoming action-packed series ng GMA Public Affairs na Lolong kasama si Ruru Madrid.

Publication Source :    People's Journal
Eugene E. Asis
Founding Member: Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) / Entertainment Editor, People's Journal