Barbie ‘nasaktan’ kay JM

May 08, 2019
Barbie Imperial
Barbie Imperial

SA guesting ng Kapamilya young star na si Barbie Imperial sa “Tonight with Boy Abunda” ay tahasang inamin nito na malabo sa ngayon na maging magkaibigan sila ng kanyang “Araw-Gabi” co-star na si JM de Guzman.  Although hindi nagbigay ng anumang detalye si Barbie, ramdam sa kanyang mga binitawang salita na ito’y nasaktan kung ano mang level ang inabot ng kanilang espesyal na pagkakaibigan.  Sa isang hiwalay na interview ng King of Talk na si Boy Abunda kay JM ay sinabi nito na hindi naging sila ni Barbie pero inamin nito na pinursue niya ang dalaga ng isang buwan.

Samantala, matapos magsama sa isang episode ng “Maalaala Mo Kaya” (MMK) sina Barbie at Paulo Angeles, kinakitaan ng kakaibang chemistry ang dalawa kaya pagsasamahin sila sa isang bagong teleserye, ang “Taiwan That You Love” under RSB Unit bilang bagong maka-loveteam.