Barbie willing pa ring makasama si JM

July 19, 2019
Thumbnail

IN our two-day stay sa Club Agutaya in San Vicente, Palawan na may kinalaman sa inaugural flight ng SkyJet Air mula Manila hanggang San Vicente, we were able to bond with the rest of the guest entourage na kinabilangan din nina Ara Mina at Barbie Imperial.

Kapamilya young star Barbie Imperial is turning 21 on August 1 kaya puwede na siya sa mga mature role although she can still be mistaken to be in her teens.

Since birth ay hindi nasilayan ni Barbie ang kanyang ama at naiwan siya ang kanyang older brother sa kalinga ng kanilang ina.  Pero sa kanyang paglaki ay naramdaman umano niya na hindi kumpleto ang kanyang pagkatao dahil hindi niya kilala ang kanyang biological dad.  Siya na rin mismo ang gumawa ng paraan na  makita at makilala ang ama.   Kahit pinabayaan sila ng kanyang ama,  wala umano siyang hinanakit dito.

Dahil mahirap lamang ang pamilya ni Barbie na nakatira sa gilid ng train sa Daraga, Albay, nagsumikap siya na mabago ang takbo ng kanilang buhay.  Sa edad na kinse ay sumali siya sa “Pinoy Big Brother:737” edition na kanyang naging stepping stone para mapasok ang showbiz.  Paglabas niya sa Bahay ni Kuya ay napabilang siya ng all-girl dance group ng “It’s Showtime,” ang Girltrends habang unti-unti naman siyang nabibigyan ng iba’t ibang TV and movie projects.

Ang pinakamalaking break na dumating kay Barbie ay nang gawin siyang leading lady ni JM de Guzman sa afternoon TV series, ang “Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi”.  Katatapos lang gawin ni Barbie ang first digital series niyang “Taiwan That You Love” na pinagtatambalan nila ni Paulo Angeles.

Samantala, tinanong namin si Barbie kung willing pa rin ba siyang makatrabaho ang singer-actor na si JM de Guzman either sa telebisyon o pelikula at sinabi nitong wala naman umanong problema kahit nagkaroon sila ng di pagkakaunawaan. Parte naman daw ito ng kanilang trabaho at nasa iisang kwadra sila, ang Star Magic ng ABS-CBN.

Although loveless ngayon si Barbie, nagi-enjoy umano siya sa kanyang work and going out with friends.

“Saka na ang lovelife,” natatawa niyang pahayag.