Baron ayaw pa ring tumigil sa bisyo

August 29, 2019
Baron Geisler

SOBRA ang panghihinayang ng marami sa actor na si Baron Geisler dahil hindi pa rin pala ito tumitigil sa kanyang bisyo sa  pag-iinom.  Ayon sa aming source, hindi pa rin umano nito matiis ang pag-inom kahit nasa set siya ng “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Si Coco Martin lamang ang bukod tanging nagbigay sa kanya ng pagkakataon na muling makabalik sa telebisyon at binigyan siya ng napakagandang role sa  nasabing  top-rating and long-running action-drama TV series.  Nangako rin umano si Baron kay Coco na iiwasan na niya ang kanyang bisyo.

May pagkakataon pa umano na bigla umanong lalabas ng set si Baron para lamang makainom sa labas at sa pagbalik nito sa set ay halatang nakainom umano ito dahil sa kanyang amoy.

Buntis umano  ngayon ang fiancée ni Baron, ang Cebuana psychiatrist  na si Jamie Marie Evangelista at plano na umano nilang magpakasal pero malamang na muli itong maurong dahil bumalik umano sa rehab ang actor.

Ang sabi ng iba, huwag sanang  lumabas ng rehab si Baron hangga’t hindi siya totally healed sa kanyang pagiging alcoholic dahil kung hindi ay babalik at babalik siya sa kanyang bisyo.