Baron kinikilala na ang mga anak

February 17, 2020
Baron Geisler

GIRL ang first baby ng actor na si Baron Geisler sa kanyang non-showbiz wife na si Jamie Evangelista na isinilang last January 2020 at pinangalanan nilang Thalita Cumi.

Inamin ng actor na may dalawa pa umano siyang anak na babae sa magkaibang babae at pinipilit niya na mag-reach out sa mga ito.  Yung isa ay three years old at naka-base sa Pampanga ang ina nito.  Sa recent birthday ng bata ay dinalhan nila ito ng mga regalo ng kanyang wife na si Jamie.  Since bago pa lamang na nakilala siya (Baron) ng bata, hindi pa umano siya tinatawag nito na Papa or Daddy pero lumalapit na ito sa kanya.

Ang isa pang anak na babae ni Baron ay anak niya sa isang celebrity pero kahit kelan ay hindi naging open ang kanilang relasyon.  Hindi rin siya (Baron) kilala ng kanyang anak na isa nang tinedyer ngayon.

Ngayong itinatama na ni Baron ang kanyang buhay, gusto niyang mag-reach out sa kanyang mga anak at suportado naman siya ng kanyang misis na si Jamie.

Si Baron ay may bagong movie sa bakuran ng Viva Films, ang “Tililing” na pinamamahalaan ni Daryl Yap na siya ring nagdirek ng hit movie ni Kim Molina na “Jowable”.  Tampok din sa nasabing pelikula sina Gina Pareño, Candy Pangilinan, Cai Cortez, Chad Kinis at iba pa.

Samantala, nakitang magkakasama sa isang okasyon sina Baron, John Lloyd Cruz at Bea Alonzo na silang tatlo lamang.  Sina John Lloyd at Baron ay unang naging close na magkaibigan nang magsama sila noon sa long-running afternoon TV