Barretto feud nakakaumay na

October 24, 2019
Gretchen Barretto and Marjorie Barretto

HANGGA'T hindi tumitigil ang Barretto sisters sa kanilang family feud, tiyak na marami pang rebelasyon ang mahahalungkat.  Tiyak ding may  iba pang tao na tahimik ang buhay ngayon ang  madadamay sa  totoong teleserye ng Barretto family.

Kahit nasa San Francisco, California, USA ngayon si Gretchen, hindi pa rin ito ligtas sa kontrobersiya at patuloy pa rin ang pakikipag-bangayan nito sa nakababatang kapatid na si Marjorie, ina ng young star na si Julia Barretto na nag-grant ng exclusive interview with Karen Davila sa “Headstart” na ang portion ng panayam ay ipinalabas sa “TV Patrol”.  Agad itong sinagot ni Gretchen sa kanyang IG account maging ang bunso nilang kapatid na  si Claudine ay nag-grant ng exclusive interview sa radio program nina Jobert Sucaldito at Ahwel Paz on DZMM para sagutin ang mga pahayag ni Marjorie sa panayam kay Karen.

The Barretto controversy is far from over.  Sa takbo ng mga pangyayari, mukhang malayo pa ang lalakbayin nito lalupa’t araw-araw ay may mga bagong pasabog ang lumalabas habang ini-enjoy lamang ng publiko ang mga bagong kaganapan sa giyera although nauumay na rin ang marami sa kanila.

In fairness sa longtime partner ni Gretchen, ang business tycoon na si Tonyboy Cojuangco, tahimik lamang ito at hindi nakikisali sa gulong kinasasangkuhan ng Barretto sisters.