Bashers, walang patawad kay Jessy

December 09, 2018
Jessy Mendiola

Ang harsh ng bashers ni Jessy Mendiola, hinahaluan ng nega ang pagpu-promote niya ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ng Quantum Films na The Girl in the Orange Dress na showing sa December 25.

Wala sila sa presscon, kaya ’di alam kung bakit napaiyak ang aktres sa Q&A portion, binigyan nila ng ibang meaning, kesyo, umaarte lang si Jessy.

Hindi nila alam na kaya napaiyak si Jessy dahil first lead role niya ang The Girl in the Orange Dress, first time to work with Jericho Rosales, first time niyang magkaroon ng entry sa MMFF, kaya sa sobrang tuwa, napaiyak.

Idagdag pa na dumating ang offer ng Quantum Films kung kailan gusto na raw niyang iwan ang showbiz dahil sa nararanasang cyber bullying.

Kung nagkataong kay Kim Chiu natuloy ang project, wala sanang MMFF entry si Jessy at kung nagkataong isa kina Tom Rodriguez, Kit Thompson o Sam Milby napunta ang role ni Jericho, kahit natuloy si Jessy, hindi pa rin sila magkakatrabaho ni Jericho.

Kaya mga besh na bashers, may rasong umiyak si Jessy at tears of happiness and gratitude ’yun.

Si Jay Abello ang director ng movie at scriptwriter na rin. Isinulat niya ang script for his wife bilang Valentine’s Day gift.

Panoorin natin ang The Girl in the Orange Dress come December and the whole run of the MMFF.