Home>Entertainment>Showbiz>Batang Pinay wagi sa ‘The Voice Kids UK 2020’

Batang Pinay wagi sa ‘The Voice Kids UK 2020’

Justine Afante
Justine Afante

THERE are a number of great Filipino singers making waves internationally. Nariyan sina Lea Salonga, Arnel Pineda, Allan Pineda (apl.de.ap), Charice Pempengco (now Jake Zyrus), Marlene de Pena, Rachelle Ann Go to name a few.

Pagdating naman sa mga international singing competitions abroad ay hindi rin nagpapahuli ang mga Pinoy singers. Sa “American Idol” alone ay kamuntik masungkit ni Jessica Sanchez ang titulo when she won 1st runner-up sa season 11 ng nasabing reality singing tilt. Third place naman ang nakuha ng Hawaii-based Filipina singer na si Janine Trias habang ang San Francisco, California-based na si Francisco Martin ay pumasok sa grand finals ng “American Idol 2020”.

Ang Filipina singer na si Gerphil Flores placed 4th sa unang season ng “Asia’s Got Talent” kung saan Filipino rin ang tinanghal na kampeon, ang El Gamma Penumbra, ang all Filipino-male shadow play group. Marami-rami na ring mga Filipino singers ang nakapag-uwi ng parangal sa Pilipinas, isang indikasyon na hindi magpapahuli ang mga Filipino pagdating sa talent sa pagkanta. Nagpakitang gilas din sa ibang bansa ang TNT Boys maging si Marcelito Pomoy.

Sa ika-4 na season ng “The Voice Kids UK 2020,” isang 13-year Filipina na si Justine Afante ang tinanghal na grand winner at siya’y nakapag-uwi ng 30,000 pounds (equivalent to almost P2-M) plus a family trip sa Universal Studios in Florida, USA which was also extended sa tatlo pang grand finalists including another Filipina grand finalist, ang 7-year-old na si Victoria Alsina mula sa team ni will.i.am.

Si Justine ay under Pixie Lott team na siya ring nagpapanalo sa 2017 and 2018 grand winners na sina Jess Folley at Daniel Davies, respectively.

Dahil sa coronavirus (Covid-19) pandemic, the grand finals was streamed live with a virtual audience.

Ang mga tumayong coach ay sina will.i.am (ng Black Eyed Peas with apl.de.ap), Pixie Lott, Paloma Faith at Danny Jones habang si Emma Willis naman ang host and was shown on ITV2.

Ang The Voice Kids ay isang British television talent show created by John de Mol at meron na itong worldwide franchise kung saan kasama na rito ang Pilipinas.

Ang 4th series (season) ng “The Voice Kids UK 2020” ay nagsimula nung July 11, 2020 at nagtapos nung August 29, 2020.

Apat na stages ang pagdadaanan ng mga contestants mula sa Stage 1 – blind auditions, Stage 2 – battle rounds, Stage 3 – Semi-Finals at Stage 4 – grand finals at lahat ng ito ay nalusutan ni Justine na ang final winning song ay ang “Listen” ni Beyonce.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Member: Professional Artists Managers Inc. (PAMI)