Bb. Pilipinas charity gala, tagumpay

June 06, 2019

NAGING malaking tagumpay ang Bb. Pilipinas Charity Gala na ginanap sa ballroom ng Marriott Hotel nung nakaraang Martes, June 4 ng gabi chaired by 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach, fashion designer Albert Andrada at ni Richelle Singson-Michael, anak ng businessman-politician na si Luis Chavit Singson.  Si Richelle ay siyang naging isa sa judges sa 2018 Miss Universe pageant na ginanap sa Bangkok, Thailand at siya rin ang naging katuwang ng kanyang ama nang dito sa Pilipinas ganapin ang 2016 Miss Universe.

Ang Bb. Pilipinas Charity Gala ay tinampukan nina Pia Wurtzbach at ng reigning 2018 Miss Universe na si Catriona Gray kasama ang 40 candidates ng Bb. Pilipinas 2019 at iba pang mga modelo at kung saan naman ipinakita ang mga latest fashion designs ng mga kilalang fashion designers tulad nina Albert Andrada, Michael Leyva, Rhett Eala, Jot Losa, Avel Bacudio, Cherry Veric at Martin Bautista habang ang mga suits sa fashion event ay si Edwin Tan ang nag-provide.

Samantala, ang coronation night ng Bb. Pilipinas 2019 ay gaganapin sa Smart Araneta Coliseum  ngayong Linggo, June 9 at mapapanood sa ABS-CBN.  This will be hosted by Anne Curtis, KC Concepcion, Richard Gutierrez and Robi Domingo.  Other presenters of the grand coronation night include Nicole Cordoves, Arthisa Manalo, Karen Gallman, Michelle Gumabao at Jehza Mae Huelar.  Excited na rin si Catriona Gray na ipasa ang kanyang Bb. Pilipinas-Universe crown sa susunod na mananalo.