Bb. Pilipinas, kailangan ng pagbabago

January 04, 2019

JANUARY na pero tahimik pa rin ang Binibining Pilipinas Charities, Inc.

The country's premiere pageant organizer drumbeats the start of the screening for the next Binibinis this early. Kaya malaking palaisipan kung bakit wala pang announcements. Maging sa pagkapanalo ni Catriona Gray bilang Miss Universe 2018 ay wala sila sa eksena. May kinalaman kaya ito sa balita na diumano'y si Luis Chavit Singson na ang bagong franchise holder ng Miss Universe-Philippines?

Bagaman pinabulaanan na ito ng mismong anak ni Chavit na si Richelle Singson-Manuel, paniwala ng iba ay "done deal" na ito. Lalo na't si LCS ang balitang magpu-produce ng Miss Universe 2019 na gaganapin sa South Korea. As they say, actions speak louder than words.

Aminin o hindi, kailangan talaga ang pagbabago; lalo na sa ikabubuti nito. Pero sa usaping ito, sana manatili pa rin sa Binibining Pilipinas ang franchise. Gaya ng sentimyento ng ilang beauty pageant aficionados, nakamulatan na natin ang Binibining Pilipinas ang naghahanap ng ating kandidata para sa Miss Universe. At tanging si Madam Stella Marquez-Araneta lang ang kusang nagtaguyod dito lalo na noong panahon na tumamlay ang beauty pageant. Ito 'yung mga panahon ng pamamayagpag ng mga Super Models sa loob at labas ng bansa. Maliban sa Miss Universe 1999 first-runner up finish ni Miriam Quiambao, naging kulelat na tayo sa international pageants noon. Muli lang sumigla nang manalo si Venus Raj bilang 4th runner-up sa Miss Universe noong 2010. Puso't kaluluwa ni Madam Stella ang Binibining Pilipinas. She has done more than enough for this country with her passion and commitment to sending the best Filipinas to international beauty pageants.

Kaya nakakalungkot kung mawawala ang MU franchise kay Madam Stella. Pero mas nakakalungkot sa nasagap naming tsika. Ayon sa balitang nilipad ng hangin sa amin, may isang beauty queen maker daw ang nagtangkang sulutin ang Miss Universe-Philippines franchise kay Madam Stella bago pa pumutok ang kontrobersiyang ito. Diumano'y nakipagkita raw ito sa mga executive mismo ng Miss Universe Organization (MUO) para sa offer. Ngunit hindi sila nagtagumpay sa kanilang balak, obviously. Sabi nga nila, nadampian lang ng olive oil ang mga labi kung umasta na mas donya pa kay Madam Stella. Siguradong alam ito ni Madam Stella. And the plot thickens...

No doubt, Madam Stella has the heart for it; while Chavit has the deep pockets. Bakit hindi na lang suportahan ni Chavit si Madam Stella para mas bumongga ang Binibining Pilipinas? Just asking..

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, malaya rin ang sino man o concerned parties na tinutukoy o nasusulat sa kolum na ito. Makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo.com