Bb. Pilipinas-Universe winner Gazini Ganados, pangalawa lang sa most liked sa FB

June 11, 2019
Gazini Ganados
Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados

NAKUHA ng 5’8” tall 23-year-old Cebuana Tourism graduate from the University of Jose Recoletos in Cebu na si Gazini Ganados ang Miss Universe Philippines 2019 crown sa  grand coronation night ng Bb. Pilipinas  beauty pageant 2019 na ginanap sa Smart Araneta Coliseum nung nakaraang Linggo ng gabi, June 9 hosted by ex-sweethearts Anne Curtis and Richard Gutierrez together with former beauty queen Nicole Cordovez.  Bukod sa major crown and title, si Gazini rin ang nanalo ng The Face of Binibini (Miss Photogenic) and Best in Evening Gown award and the second with most likes sa pageant’s Facebook account kasunod ni Vickie Ruston ng Negros Occidental. Sa kanya ipinasa ng 2018 Bb. Pilipinas-Universe and reigning Miss Universe na si Catriona Gray ang korona.  At siya rin ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa darating na 2019 Miss Universe.

Bukod kay Gazini, ang iba pang winners ng Bb. Pilipinas 2019 ay sina Bea Patricia Magtanong ng Bataan as Bb. Pilipinas – International 2019, Resham Saeed ng Maguindanao as Bb. Pilipinas – Supranational, Emma Mary Tiglao ng Pampanga as Bb. Pilipinas – Grand International at Leren Mae Bautista ng Laguna as Bb. Pilipinas Globe.  1st runner-up naman ang repeater na si Maria Andrea Abesamis ng Pasig at 2nd runner-up si Samantha Mae Bernardo ng Palawan.

Hindi man nanalo ng major title sa 2019 Bb. Pilipinas ang kasintahan ng Kapuso actor na si Jason Abalos, ang  ex-PPB housemate-turned-beauty queen na si Vickie Rushton ng Negros Occidental, nakapag-uwi naman siya ng limang special awards tulad ng Jag Denims Queen, Miss Ever Bilena, Manila Bulletin Reader’s Choice, Poten Cee Gandang Palaban at Bb. Creamsilk.

Ang 27-year-old na si Vickie Marie Milagrosa Sausa Rushton ay nakoronahan na noong 2011 bilang Mutya ng Pilipinas at tinanghal siyang 1st-runner-up ng 2018 Bb. Pilipinas pageant.  Fourth-placer naman siya sa reality talent search na Pinoy Big Brother: All In in 2014.

Ang iba pang nakakuha ng special awards sa 2019 Bb. Pilipinas ay sina Martina Turner Diaz ng Muntinlupa City as Miss Philippine Airlines, Emma Mary Tiglao ng Pampanga as Miss Pizza Hut, Bea Patricia Magtanong ng Bataan as Bb. Megawide, Marie Cherry Ann Tormes of Polangui, Albay as Bb. Friendship, Cassandra Colleen Chan of Bacolod as Miss Talent, Bea Patricia Magtanong of Bataan as Best in Swimsuit at si Gazini Ganados muli as Best in Long Gown competition.

Samantala, ang mga tumayong hurado sa 2019 Bb. Pilipinas pageant ay pinangunahan ng kauna-unahang Filipina Miss Universe in 1969-turned-actress na si Gloria Diaz, Quezon City mayor-elect Joy Belmonte, ABS-CBN executive Bobby Barreiro, Brian Cu, Giorgio Gugliemino, Christian Standhardinger, Rainerio Borja, Jorge Moragas,  Viva and Kapamilya  young singer-actress Nadine Lustre and Kapamilya matinee idols Daniel Padilla and James Reid.

In fairness, ang daming magagandang choices in this year’s Bb. Pilipinas pageant pero para sa anim na major titles  lamang ang kailangan.

Better luck next time girls!