Bea Binene naantala ang graduation sa culinary school 

July 01, 2020
Bea Binene
Bea Binene

DAHIL sa COVID-19 pandemic, isa sa mga naantala ay ang graduation sana ng Kapuso actress na si Bea Binene sa culinary school.

Kwento ni Bea sa kanyang Instagram post, nagsimula siyang mag-aral at kunin ang kursong Professional Culinary at Pastry Arts last year sa Center for Asian Culinary Studies. At this year nga ay nakatakda na sana siyang grumaduate. Aniya, “A year ago, I started studying culinary.. dapat ngayong mga oras na 'to, baka naka pag repertoire na or legacy buffet or nagri-ready na sa graduation yung class namin."

Miss na rin niya mag-aral at makasama ang kanyang batchmates. “Hay, I can't believe I'll say this, but I miss school. PS: happy anniv, Batch 40TTHS!"