Bea, kinilig kay Charo

March 07, 2019
Bea Alonzo, Direk Mikhail Red & Charo Santos-Concio

Puring-puri ni Charo Santos-Concio si Bea Alonzo, co-star niya sa pelikulang Eerie.

“Bea was only 13 years old when I met her,” sey ng Asia’s best actress at dating presidente ng ABS-CBN network.

“At talagang nasundan ko ang kanyang career bilang isang artista at isa siya sa mga hinahangaan ko sa mga kabataang artista.

“So, you know, I felt so excited, I really looked forward to working with her, she’s a very intelligent, intuitive and generous actress and she works hard, you know. I mean, she comes to the set prepared.”

Ayon pa kay Charo, true professional si Bea.

“Her attitude towards her craft is admirable,” aniya.

Ano naman ang reaksyon ni Bea sa mga sinabi ni Charo?

“Kinikilig ako,” natatawa niyang sey. “Gusto kong kumuha ng copy ng lahat ng interviews namin. Sabi ko nga kanina, may photo shoot kami, ipapa-frame ko nang malaki ’yung picture namin together. ’Di ba, sino ang makakapagsabi na nakatrabaho mo ’yung Asia’s best actress?” sey pa ni Bea.

Ayon sa aktres, talagang hindi siya gumagawa ng horror film dahil matatakutin siya at takot sa madidilim na lugar.

Pero nang mabasa niya ang script ng Eerie at malaman na makakasama niya si Charo, aniya, “Parang I just couldn’t say no and siguro, parang naisip ko, baka ito na ang tamang pagkakataon na gumawa ako ng kakaibang pelikula.”

At marahil nga ay may kinalaman dito ang post ni Bea sa kanyang Instagram about change.

“Kasi, sabi ko, when I turned 30, ngayon na ako mas magiging open to new genres, hindi na ako matatakot gumawa ng mga pelikula na hindi ko pa nagawa noon.

“So, parang ang feeling ko, I owe it to myself to explore also,” she said.

Showing na ang Eerie sa March 27 mula sa direksyon ni Mikhail Red.