Bea sinorpresa si Gerald sa birthday nito

March 15, 2019
Gerald Anderson and Bea Alonzo
Gerald Anderson and Bea Alonzo

INAMIN ni Bea Alonzo sa “Tonight with Boy Abunda” ng King of Talk na si Boy Abunda na si Jericho Rosales ang kanyang first showbiz crush.

Wala pa sa showbiz noon si Bea ay big fan na umano siya ni Jericho  sa TV series na “Pangako sa `Yo” (2000-2002).  Walang episode ng serye na kanyang pinalagpas.  Kapag tinititigan umano ni Echo si Kristine Hermosa sa serye ay ini-imagine umano niyang siya (Bea) ang tinititigan nito.  Inamin naman ito ni Bea kay Echo nang minsang makainom siya (Bea) sa Star Magic Ball.

Surprisingly, hindi sila nagkaroon ng romantic involvement. May asawa na si Echo ngayon, ang social media influencer at model na si Kim Jones, samantalang si Bea ay si Gerald Anderson ang boyfriend ngayon.

Samantala, last Sunday, March 10 ay binigyan ng surprise black-themed party ni Bea ang nobyong si Gerald na ginanap sa Mess Hall in Makati City na dinaluhan na malalapit na kaibigan ni Gerald including his best friend na isa na ngayong Kapuso na si Rayver Cruz.  Sobrang pinasalamatan ni Gerald ang kanyang nobya at mga kaibigang dumalo at nakisaya sa kanyang belated birthday party.