Beautiful actresses sa isang action series

August 28, 2019

NGAYONG September 9, 2019 na magsisimula ang pinakabagong action-drama TV series ng GMA, ang “Beautiful Justice” na pinagbibidahan nina Yasmien Kurdi, Gabbi Garcia at Bea Binene at kung saan din tampok sina Derrick Monaterio, Gil Cuerva kasama sina Bing Loyzaga, Valeen Montenegro, Victor Neri, Ian de Leon at iba pa mula sa direksyon ni Mark Reyes.  Ito’y mapapanood immediately after “24 Oras” on GMA at makakatapat ng top-rating and long-running action-drama series ni Coco Martin, ang “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Ang actor  na si Victor Neri  na siyang gumaganap  sa papel ni Tony Bautista, ang Regional Director ng Philippine Drug Enforcement Agency  (PDEA) ay isa rin  sa tumatayong stunt trainers ng lead actors and cast na sumailalim din ng krav maga at gun training sessions.

Ang “Beautiful Justice” ay first action-drama series ng GMA na pagbibidahan ng mga babaeng lead na sina Yasmien, Gabbi at Bea na gaganap sa papel nina Alice, Brie at Kitkat, ang tatlong babaeng magsasanib-puwersa  to seek justice sa pagkamatay ng kanilang mga mahal sa buhay.