Bela at Dani biktima ng fake news

October 08, 2019

MAY mga lumabas na balita na may tampuhan umano ang mag-best friends na sina Bela Padilla at Dani Barretto-Panlilio. Nag-ugat umano ito sa pag-unfollow ng dalawa sa kanilang respective Instagram accounts na may kinalaman sa kontrobersiyang kinasangkutan  ng nakababatang kapatid ni Dani na si Julia Barretto dahil sa break-up nina Bea Alonzo at Gerald Anderson.  Lumabas sa social media ang picture ni Bela na kasamang nag-dinner ng actress-writer si Bea Alonzo at iba pang Kapamilya stars.  

Ang litratong `yon ang pinag-ugatan ng intriga sa pagitan ng magkaibigang Bela at Dani dahil lumabas umanong kinampihan ni Bela  si Bea at nasaktan naman umano si Dani para sa kanyang nakababatang kapatid.

Pero taliwas sa tsismis, ito ay pawang ispekulasyon lamang at walang katotohanan dahil hindi nasira ng mga intriga ang pagkakaibigan nina Bela at Dani na parehong lifestyle vloggers.  Katunayan, saksi sa larawan ni Bela na karga-garga  si Baby Millie, anak ni Dani at mister nitong si Xavi Panlillio.

Fake news pa more?