Bela masaya para kina Neil at Angel

July 12, 2019
Bela Padilla
Bela Padilla

HINDI issue sa “Sino Ang May Sala” star na si Bela Padilla ang recent engagement ng kanyang ex-boyfriend (of four years), ang film producer na si Neil Arce at ang star ng “The General’s Daughter” na si Angel Locsin dahil pareho niyang kinu-consider na kaibigan ang dalawa.

Ipinahayag ng 28-year-old Viva star na nanatili ang pagkakaibigan nila ni Neil kahit hiwalay na sila bilang magkasintahan.  Katunayan, nag-collaborate pa rin sila sa ilang movie projects after their break-up.

Masaya si Bela for Neil at Angel and she wishes them well.

Sa ngayon ay hindi muna lovelife ang focus ni Bela kundi ang kanyang acting and writing career.  Plano rin niyang pasukin ang pagdidirek balang araw na nasa kanyang bucket list.

Si Bela ay maternal cousin ni Daniel Padilla at tiyuhin niya sina Robin, Rommel, Rustom Padilla aka BB Gandanghari at iba pa.

Speaking Bela, tiyak na mami-miss siya sa ikatlong Pista ng Pelikulang Pilipino  dahil wala siyang movie entry this year.  Sa naunang dalawang PPP ay may pelikula si Bela along with JC Santos na parehong nanguna sa takilya sa dalawang magkasunod na taon mula sa panulat at direksyon ni Jason Paul Laxamana and produced ng Viva Films, ang “100 Tula Para Kay Estela” at “The Day After After Valentine’s”.

Pero ang kanyang dating leading man na si JC ay may PPP entry this year, ang “Open” na pinagtatambalan nila ni Arci Munoz at dinirek ni Andoy Ranay under T-Rex Productions.