Home>Entertainment>Showbiz>Bela may secret foreigner boyfriend

Bela may secret foreigner boyfriend

Bela Padilla
Bela Padilla

IT was in January 2017 nang kumpirmahin ng 29-year-old Fil-British actress-writer na si Bela Padilla ang kanilang break-up ng fiancé na ngayon ni Angel Locsin, ang businessman at movie producer na si Neil Arce.

Kahit matagal nang hiwalay si Bela sa ex-boyfriend na si Neil ay nanatiling magkaibigan ang dalawa.

Since then ay naging tahimik lamang si Bela pagdating sa kanyang lovelife not her followers knowing na may bago na pala siyang ka-relasyon, ang foreigner na kanyang nakilala sa St. Gallen, Switzerland kung saan sila nag-shooting ni Carlo Aquino ng “Meet Me In St. Gallen” na dinirek ni Irene Villamor which was shown in February 2018.

Just very recently ay nag-share si Bella sa kanyang Instagram account kasama ang kanyang bagong boyfriend na si Norman Ben Bay sa Coppadocia, Turkey.

Number 11 may significance sa ABS-CBN

SA kabila ng pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN, hindi huminto ang Lopez-owned corporation sa patuloy na paggawa ng iba’t ibang paraan para maihatid sa publiko ang mga dati nilang programa mula sa news and information, entertainment, educational programs at public service. Bukod sa pagiging visible ng Kapamilya Channel sa iba’t ibang digital platform, ginulat nila ang publiko nang sila’y makipag-alyansa sa Zoe Broadcasting Network ni Bro. Eddie Villanueva na may-ari ng Channel 11 at kasunod na rito ang rebranding ng Channel 11 to A2Z Channel 11 kung saan mapapanood na sa free TV (broadcast) ang mga programa ng Kapamilya Channel.

Very significant sa ABS-CBN ang number 11.

Mahigit eleven thousand ang mga emplyedo ng Kapamilya Network na naapektuhan ng pagkaka-basura ng 70 kongresista sa bagong franchise ng ABS-CBN. Eleven congressmen naman ang pumabor sa bagong prangkisa ng network. Eleven years naman na sa ere ang top-rating noontime show ng ABS-CBN, ang “It’s Showtime” na magsisimulang umere sa A2Z Channel 11 isang araw pagkatapos ma-deny ang franchise nung July 10, 2020. One plus one equals 2 na siyang network ng ABS-CBN. Pagtabihin ang dalawang 1 ay lalabas na eleven.

Ang literal na kahulugan ng A2Z ay ABS-CBN Channel 2 and Zoe Channel 11.

So there.

Julia loss, Barbie’s gain

MARAMI ang nanghinayang nang hindi gawin ni Julia Barretto ang “Cara y Cruz” TV series na pagtatambalan sana nila for the first time ni Tony Labrusca kasama sina Barbie Imperial, Loisa Andalio, Ronnie Alonte, Marco Gumabao at Heaven Peralejo.

Buwan pa ng Pebrero in-anunsyo ang nasabing serye hanggang sa abutan ito ng lockdown. But when everyone (except Julia) was ready to start taping the TV series ay saka naman ito kumalas ng Star Magic at lumipat sa Viva Artists Agency. Wala rin naman sanang problema ang paglipat niya sa Viva dahil the Vic del Rosario-helmed company has a close relationship with the network. Pero wala na umano si Julia sa “Cara y Cruz” at pinalitan na siya ni Barbie Imperial. Barbie’s character original character was given to another young actress ng Star Magic.

Ang last TV series ni Julia ay ang “Ngayon at Kailanman” in 2019 na pinagtambalan pa nila ng dating boyfriend at ka-loveteam na si Joshua Garcia.

Julia’s loss is Barbie’s gain.

Ang “Cara y Cruz” ay produced ng RGE Drama, a sub-unit ng RSB Scripted Format na pinamumunuan ng writer-director na si Ruel Bayani.

Kasal nina KZ at TJ inilihim

ALMOST two months ding nailihim ng mag-asawa na ngayong sina KZ Tandingan at TJ Monterde ang kanilang intimate but dreamy wedding na ginanap sa The Farm ng san Benito, Batangas nung August 28, 2020 sa gitna ng pandemya.

Sa kabila ng maraming restrictions ay napalabas pa ring `magical’ ang kasal nina KZ at TJ who got engaged in December 2019. They became an official couple in January 2015 after dating for a year.

KZ is Kristine Zhenie Lobregas Tandingan (28) habang si TJ naman ay Titus John Monterde (30) turning 31 on December 30. They are both from Davao.

Si KZ ang kauna-unahang winner ng The X-Factor Philippines in 2012.

‘Kadenang Ginto’ teens may bagong teleserye

MATAPOS mabuo ang respective loveteams nina Francine Diaz at Kyle Echarri at Andrea Brillantes at Seth Fedelin sa dating hit afternoon TV series na “Kadenang Ginto,” muling magsasama-sama ang apat na teen stars sa bago nilang inspirational teleserye na pinamagatang “Huwag Kang Mangamba” kung saan nila makakasama sina Eula Valdez, Sylvia Sanchez, Mylene Dizon, Diether Ocampo Enchong Dee, Angeline Quinto, Nonie Buencamino, Matet de Leon, Dominic Ochoa, Soliman Cruz, Paolo Gumabao at Matty Juniosa.

Ang “Huwag Kang Mangamba” ay produksyon ng Dreamscape Entertainment ni Deo Endrinal na siya ring nasa likod ng isa pang upcoming TV series, “La Vida Lena” kung saan naman mga tampok na bituin sina Agot Isidro, Janice de leon at Raymond Bagatsing kasama sina Pen Medina, Ruby Ruiz, Soliman Cruz, Christian Vasquez, Malou Crisologo, John Ivan Morales, Hasna Cabral at ang nagbabalik na si Sofia Andres. Ito’y mula sa magkatulong na direksiyon nina Jerry Lopez Sineneng at Jojo Saguin.

The Hunks pare-parehong lalaki ang mga anak

IN 2017 ay umugong ang balita na lilipat na umano ang Kapamilya actor na si Diether Ocampo sa Kapuso Network matapos itong lumabas sa iba’t ibang program ng network tulad ng “Celebrity Bluff,” “Tonight with Arnold Clavio,” “Unang Hirit” at “Magpakailanman”. Pero the following year, 2018 ay muli siyang napanood sa Kapamilya Network sa pamamagitan ng “Bagani” na pinangunahan ng magka-loveteam at magkasintahan na sina Liza Soberano at Enrique Gil.

Si Diether ay muling nagbabalik sa Kapamilya Channel sa pamamagitan ng “Huwag Kang Mangamba”.

Speaking of Diether, he has a 16-year-old son na si Dream sa kanyang non-showbiz ex-girlfriend. The actor introduced his son when the boy celebrated his 7th birthday.

Diether was formerly married to former Kapamilya star Kristine Hermosa and was also linked before kay Kris Aquino.

Si Diether ay dati ring miyembro ng “The Hunks” na binubuo nila nina Piolo Pascual, Jericho Rosales at Bernard Palanca.

Except for Jericho who is still married to his British-born Australian wife na si Kim Jones, Diet, Piolo and Bernard remain single pa rin hanggang ngayon although sina Diet at Bernard ay pareho na ring hiwalay sa kanilang respective wives na sina Kristine Hermosa at Meryll Soriano.

Call it coincidence, sina Piolo, Jericho, Diet at Bernard ay pare-parehong boys ang mga anak. Piolo has a 23-year-old son, ang singer-actor na si Inigo Pascual sa kanyang non-showbiz ex-girlfriend na si Donnabelle Lazaro. Jericho has a 20-year-old son na si Santino Rosales sa kanyang ex-girlfriend, ang model-turned entrepreneur na si Kai Palomares. Non-showbiz ang ina ng 16-year-old son ni Diet na si Dream habang two boys naman ang anak ni Bernard sa kanyang ex-wife, ang actress at panganay na anak ni Willie Revillame na si Meryll Soriano na si Elijah (13) and Isaiah (6) sa kanyang ex-girlfriend na si Jerika Ejercito, panganay na anak ni dating Pangulo at former Manila Mayor na si Joseph `Erap’ Estrada (Ejercito) at dating actress na si Laarni Enriquez.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Member: Professional Artists Managers Inc. (PAMI)