Bela naniniwalang si Aga ang mananalong best actor

December 12, 2019
Bela Padilla

BINIGYAN si Bela Padilla ng solo pocket presscon ng Viva Films dahil hindi ito nakadalo sa grand presscon ng “Miracle in Cell No. 7” sa auditorium ng Phiippine Stock Eschange ng Tektite Building in Ortigas Center, Pasig City nung nakaraang Lunes ng gabi.  Ang “Miracle in Cell No. 7” ay pinagbibidahan ni Aga Muhlach at ng child star na si Xia Vigor at isa sa walong kalahok sa 45th Metro Manila Film Festival na magsisimula ngayong December 25.  Kababalik lang kasi ni Bela galing sa ibang bansa na may kinalaman  sa kanyang recent movie na  “Mananita” na dinirek ni Paul Soriano.

Ayon kay Bela, nakagawa umano siya ng tatlong movie this year pero ang isa na balik-tambalan nila ni JC Santos ay malamang sa isang taon na ipalalabas.

Inamin ni Bela na sa dubbing pa lamang daw ng pelikulang “Miracle In Cell No. 7” ay iyak nang iyak na umano siya maging ang mga tao sa kanyang paligid.  Balewala rin umano sa kanya kung hindi man siya ang unang choice to play the role of Yesha played by Xia Vigor as a child.  The role was first offered to Nadine Lustre who later backed out from the movie.

Hindi man ganoong kahaba ang papel na ginampanan ni Bela sa “Miracle In Cell No. 7” at sa opening, gitna at ending lamang  siya napanood,  sobrang napakahalaga ng kanyang role  at hindi makukumpleto ang istorya kung wala ang kanyang character.

Ayon kay Bela, pinanood niya mismo ang Korean version ng “Miracle in Cell No. 7” at doon pa lamang daw ay umiyak na siya nang husto.

“I love the movie,” pag-amin niya.

Naniniwala si Bela na malaki ang chance ni Aga na manalong Best Actor for his role as Joselito in the movie at maulit ang kanyang panalo sa MMFF na nagawa niya noong 1992 and 1993 sa mga pelikulang “Bakit Labis Kitang Mahal” at “May Minamahal” na parehong pinamahalaan ni Joey Javier Reyes.

Magagaling din lahat ng bumubuo ng cast ng movie at kasama na rito ang childstar na si Xia Vigor na malamang manalo for Best Child Actress kung may ganoong kategorya.  Bukod kina Aga, Xia at Bela, tampok din sa cast sina John Arcilla, Joel Torre, JC Santos, Mon Confiado, Soliman Cruz, Jojit Lorenzo at kung saan naman may special participation sina Tirso Cruz III, Ian de Leon, Mark Anthony Fernandez, Epy Quizon, Yalo Aguila, Candy Pangilinan, Christopher Roxas at iba pa.  Ito’y mula sa panulat ni Mel del Rosario at direksiyon ni Nuel Naval under Viva Films.

Samantala, sa kabila ng magandang takbo ng career ni Bela ngayon, loveless pa rin umano siya hanggang ngayon after her break-up with her ex-boyfriend na si Neil Arce was made public in January 2017.  Si Neil ay engaged na ngayon sa Kapamilya actress na si Angel Locsin.  Sa kabila ng kanilang break-up ay nanatiling magkaibigan ang dalawa.