Bela out sa Pista ng Pelikulang Pilipino, in sa Metro Manila Film Festival

August 12, 2019
Bela Padilla

FOR the two consecutive years ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na proyekto ng Film Development Council of the Philippines (FDCO) na pinamumunuan ni Liza Dino, nanguna ang magkasunod na pelikulang parehong tinampukan nina Bela Padilla at JC Santos mula sa panulat at direksiyon ni Jason Paul Laxamana, ang “100 Tula Para Kay Estela” at “The Day After Valentine’s”.

But this year, pahinga muna ang tambalan nina Bela at JC na matutuloy naman next year (2020).

Out din muna si Bela sa PPP pero may entry si JC, ang “Open” na pinagtatambalan nila ni Arci Munoz mula sa direksiyon ni Andoy Ranay at joint project ng Black Sheep Productions and T-Rex Entertainment.

“Masyado na naming gamay at kumportable kami sa isa’t isa ni Bela,” pahayag ni JC na excited din sa first team-up nila ni Arci in “Open” na nakatakdang itanghal sa ikatlong taon ng PPP on September 13-19, 2019 na itinaon din sa ika-100 taon ng Philippine Cinema.

Si Bela na rin mismo ang nagsabi na matutuloy ang balik-tambalan nila ni JC sa isang taon pero hindi nito sinabi kung anong production outfit ang magpu-produce.

Kung walang entry si Bela sa PPP this year, masaya naman siya na meron siyang entry sa darating na Metro Manila Film Festival (MMFF), ang local remake ng Korean movie na “Miracle at Cell #7” na pagsasamahan nila ni Aga Muhlach.  Si Bela ang pumalit kay Nadine Lustre na nag-back out sa naturang project dahil gusto muna umanong magpahinga matapos gumawa ng sunud-sunod na proyekto.  Bela was just too glad to accept the role first intended for Nadine.

“Hindi na mahalaga sa akin if I were the second or last choice.  Ang mahalaga, I was the final choice,” pakli niya.

Mahaharap na ni Bela nang husto ang shooting ng “Miracle at Cell #7” nila ni Aga dahil nagtapos na last Friday ang primetime TV series na “Sino ang Maysala (Mea Culpa)” na tinampukan nila nina Jodi Sta. Maria, Tony Labrusca at iba pa.
   Bukod sa pagiging mahusay na aktres, si Bela ay isa ring mahusay na writer at hindi nito ikinakaila na kasama sa kanyang bucket list ang pagdidirek balang araw.

Samantala, babalikan naman ni JC Santos ang kanyang first love, ang stage play sa pamamagitan ng kanyang comeback project na “Lam Ang” na nakatakdang ipalabas sa buwan ng November and December 2019 sa Cultural Center of the Philippines o CCP.  Ito’y base sa Ilocano epic na “Biag ni Lam Ang” of “Life of Lam Ang”.

JC will turn 31 on November 19.