Belated b-day celebration ni Andrea, ‘pamamanhikan’ party

Derek Ramsay & Andrea Torres

First birthday sana ni Andrea Torres na sila na ni Derek Ramsay, pero dahil sa enhanced community quarantine, hindi nagkasama ang couple sa 30th birthday ng Kapuso actress ngayong May 4.

Birthday greetings muna ni Derek pati ng family nito, from his parents to his siblings at mga pamangkin, his son Austin, his manager Joji Dingcong at pati close friends via a video ang bumati kay Andrea.

Pagkatapos batiin ng Happy Birthday si Andrea, sabi ng mom ni Derek, excited na siya sa project nilang dalawa na gardening.

Looking forward din ang mom ni Derek to celebrate Andrea’s birthday kapag puwede na ang mass gathering.

Iyon din ang sabi ng dad ni Derek, he hopes to see Andrea soon sa big party na ihahanda nila with Andrea’s parents and members of her family.

Kung titingnan ang “casting” ng party, parang pamamanhikan na ang mangyayari.

Panalo rin ang birthday greetings ng friend ni Derek na based yata sa Dubai dahil ang tawag kay Andrea “the future wife of my friend, Derek.”

Ibig sabihin, may plano na silang magpakasal.

Heto ang birthday greetings ni Derek posted in his Instagram (IG): “HAPPY BIRTHDAY!! @andreatorres. I know tomorrow is your actual birthday but i want to be the first to greet you. It saddens me that i cant be there with you to celebrate but after the quarantine we will definitely do something ok. love you.”

Sagot ni Andrea: “This means so much!!! (ang video) I’m so happy!!! Thank you Babe!!! I love you!”

Sa video, mas sweet ang birthday greetings ni Derek kay Andrea at sabi pa nga ng aktor, “I wish I can be there with you to give you hug and kisses.”