Belo Group tumugon sa panawagan ni Pang. Duterte

March 28, 2020

BILANG tugon sa panawagan ni President Rodrigo Duterte, ipapamahagi ng Belo Medical Group sa mga nangangailangan na ospital at health centers ang nalalabing stocks nila ng personal protective equipment ( PPE) tulad ng mga facemask.

Nangako ang Belo Medical Group founder at CEO na si Dr. Vicki Belo na ibibigay rin niya bilang donasyon ang mga parating na shipments ng PPE ng kanyang mga klinika. Bukod sa PPE donations, maaga na ibibigay ng Belo Medical Group ang 13th month pay at ibang mga benepisyo ng kanilang mga empleyado na suspendido ang mga trabaho dahil sa coronavirus pandemic.

“We, the Belo Medical Group, is also committing to the following: (a) the extension of our full-pay, full-benefits for all our employees despite the work suspension; (b) early release of employees’ 13th month pay; and finally, (c) should the suspension of work last beyond the month of May, a modified “no work, with pay” scheme to help our employees tide over during these trying times.”

Hinihikayat ng Belo Medical Group ang management ng ibang mga beauty at wellness centers na tularan ang ginawa nila bilang suporta sa mga ospital, health center at sa kanilang mga empleyado.

“We urge our fellow beauty and wellness centers to do the same: donate their stocks to the hospitals and health centers and support their employees by maintaining their salaries and benefits regardless of the work suspension.

“We need to stand together against a common adversary at this time.

“As for our patients who have urgent concerns, our online, email, and SMS channels remain open.”