Ben Adams gustong makasama si Sarah G

September 10, 2019

TIYAK na nakarating na sa Viva Communications big boss na si Boss Vic del Rosario at sa Popstar na si Sarah Geronimo ang panawagan ng popular  British singer, songwriter at record producer at dating miyembro ng British boyband na A1 na si Ben Adams na gusto niyang makatrabaho ang nobya ni Matteo Guidicelli.  Napanood ni Ben sa YouTube ang iba’tibang live performances ni Sarah at sobra siyang na-impress sa Filipina pop royalty.

Kilala si Ben sa pagku-collaborate with other artists at kapag natuloy si Sarah working with him, ang Filipina star will be the very first Asian artist na kanyang makakatrabaho.

Taong 2004 nang lumagda ng solo recording deal si Ben with BMG Records and the following year (2005) ay inilabas ang kanyang first solo hit song na“Sorry” na sinundan ng “O.M.G.”.  In 2017, lumabas ang duet nila ni Joan Clitton, ang “Here and Now”. Si Joan ay nakasama niya sa touring version ng “Flashdance: The Musical” where Ben played the lead role of Nick Hurley in October 2017.  Ito’y sinundan ng single niyang “Crush”.

Last year, 2018, Ben released two singles, ang “Can’t Make You Love Me” at “You’ll Be The Ghost”.