Benjamin 'di pa maka-move on

May 22, 2019

MAHIGIT seven months na ang nakalilipas magmula nang sumakabilang-buhay ang kanyang amang si G. Ebet Sapida nung October 8, 2018 sa Guam, USA pero hindi pa rin gaanong nakakapag-move on ang 30-year-old actor na si Benjamin Alves.

Nasa taping noon si Ben (who is Benjamin Quiambao Sapida in real life) ng “Kapag Nahati ang Puso” ng Kapuso Network nang makarating sa kanya ang malungkot na balita na patay na ang kanyang ama.  Dahil dito ay na-pack-up ang taping ng nasabing serye at agad dumiretso ng airport ang actor to catch the first flight out patungong Guam.

Aminado ang actor na nakaramdam siya ng guilt feelings dahil hindi niya agad nasagot ang huling text sa kanya ng kanyang ama bago ito pumanaw dahil  sa pagiging busy sa trabaho.

November 2018 naman nang makipaghiwalay ang actor sa kanyang kapwa Kapuso artist, ang singer-actress na si Julie Anne San Jose pagkatapos ng halos dalawang taong relasyon.

It was in May 2016 nang magkaroon ng  relasyon sina Ben at Julie Anne na kinumpirma ng dalawa in January 2017 pero ito’y nagwakas in November 2018 na inamin lamang ni Julie Ann in January 2019.

Ayaw nang magbigay ng pahayag si Ben kung ano ang naging sanhi ng kanilang break-up ni Julie Anne.

But more than his break-up with Julie Anne, mas dinamdam ni Ben ang pagkawala ng kanyang ama.

Si Ben ay ipinanganak at lumaki sa Guam. Uncle niya ang Kapamilya heartthrob na si Piolo Pascual kaya pinsan niya ang anak nitong si Iñigo Pascual.

Taong 2008 nang sumali si Ben sa ABS-CBN reality model search ng Close-Up to Fame kung saan siya naging finalist. Kasunod na rito ang pagpirma niya ng management contract with Viva Artists Agency (VAA) until 2009.  Over at Viva ay nakagawa siya ng teen series on QTV, ang “Posh” at ilang pelikula tulad ng “Ang Cute ng Ina Mo,” “Apat Dapat, Dapat Apat,” at serye sa RPN-9, ang “Dalawang Tisoy,” “Isabella” sa ABS-CBN at “Impostora” sa GMA.

Taong 2009 ay pansamantalang nag-quit sa showbiz si Ben para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa University of Guam kung saan siya nagtapos in 2012 na summa cum laude in English Literature.  Plano pa sana ni Ben na ipagpatuloy ang kanyang masters degree pero nanaig ang showbiz.  After his graduation ay muli siyang nag-balik-showbiz at lumagda ng exclusive management contract with GMA Artist Center.

Si Ben ay busy ngayon sa kanyang upcoming TV drama series sa bakuran ng GMA, ang “Dahil sa Pag-ibig” na kung saan tampok din sina Sanya Lopez, Teresita Ssen `Winwyn’ Marquez, Tetchie Agbayani, Sandy Andolong at iba pa mula sa direksiyon ng actor-director na si Ricky Davao.